Wala ako sa sarili habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Sapo-sapo ko ang aking dibdib. Maingay at abala ang mga tao sa paligid ko. Nakapagpalit na din ako ng damit habang umiiyak ako. Buti nalang ay may tinatago akong damit sa locker...
Bakit nangyayari sa akin ang mga ito? Bakit kailangan kog danasin ang mga ganito? Sa dinami-dami ng tao ay bakit ako ang pinili nilang babuyin? Bakit ako?
"Oh, Beth... Bakit ngayon ka lang?" Nagtatakang tanong sa akin ni tita nang nakarating na ako ng bahay.
Napalunok ako. "M-may tinapos lang po sa school..." Pangsisinungaling ko. "Papasok na po muna ako sa kuwarto..." Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin ni tita. Nagmamadali akong tumungo sa kuwarto ko.
Sinara ko ang pinto at sumandal doon. Napasapo ako sa aking bibig. Nagsisimula na naman akong umiyak. Pinadausdos ko ang aking likod hanggang sa napaupo ako sa sahig. Marahas kong hinawakan ang aking damit upang ilabas ang galit sa aking sarili.
Bakit hindi ko magawang manlaban? Sa tuwing manlalaban ako, nagiging paralisado ako. Ni mga daliri ko ay hindi ko magawang igalaw! It's so unfair... Sila lang ang malakas, sila lang ang may karapatan...
Pilit kong ilihim ang lahat sa mga kaibigan ko kung ano ang nangyayari sa akin. Mas lalo ako nagiging tahimik tuwing kasama nila ako. Pilit kong kumilos ng normal sa tingin ng mga taong nakapaligid sa akin. Pilit kong mag-aral ng husto para kahit papaano ay hindi ako maapektuhan.
Nabalitaan ko na din na nagresign ang PE teacher. Ipinagtataka ko, inunahan na ba niya ako bago man ako magsampa ng reklamo sa kaniya?
Sinubukan kong itanong kung anong pangalan ng PE teacher na iyon pero bigo akong makahanap ng sagot. Palagi kong nakukuhang sagot ay hindi rin daw nila alam, tanging principal daw ang nakakaalam... Kung ganoon, bakit? Bakit ang principal lang ang nakakaalam ng kaniyang pangalan at hindi ang ibang guro at estudyante dito? Masyadong misteryoso.
Naglakas-loob akong pumunta sa Principal's Office. Hindi naman ako nabigong makausap ang mismong principal at sabihin sa kaniya ang pakay ko.
"PE teacher?" Wari'y nagtataka pa siya. "Wala akong nahired na bagong PE teacher, iha..."
Bahagyang kumunot ang noo ko sa aking nalaman. Mas lalo ako naguluhan. Wala siyang nahired na bagong PE teacher? Eh bakit malaya siyang nakakagala dito sa loob ng campus nang basta-basta? Bakit?
Pilit akong ngumiti. "S-salamat nalang po, Ma'm." Sabi ko at tumayo na. Nagpaalam ako't lumabas na sa kaniyang Opisina.
Pagkalabas ko ay tumigil ako. Dumapo ang tingin ko sa sahig. Malalim ako napaisip. Wala talaga akong makukuhang sagot sa mga katanungan sa aking isipan...
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga saka pumikit ng mariin. "Kaya mo 'to, Beth... Kaya mo 'to." Bulong ko sa aking sarili.
Sumapit na ang Lunch Break.
Tulad ng kinagawian, sumama pa rin ako sa mga kaibigan ko para kumain. Mahihirapan ako kapag nag-iisa ako. Sa tuwing nag-iisa ako ay hindi mapigilang sumasagi sa aking isipan ang mga imahe na nangyayari sa buhay ko. Ang lalaki sa aking panaginip, ang lower class man na gumahasa sa akin pati ang PE teacher na iyon. Anong pakay nila sa akin para sirain nila ang buhay ko?
"Beth, may napapansin ako." Biglang kinausap ako ni Shayne habang kumakain kami.
Tumingin ako sa kaniya. "Ano 'yon?"
"Binasted mo ba si Wiliam?" Diretsahang tanong niya sa akin.
Saglit ako natigilan. Lumihis ang tingin ko sa direksyon kung nasaan si William, nasa isang mesa siya, kasama niya ang mga kaklase niya. Nagkukwentuhan at nagtatawanan. Bumaling ako kay Shayne na naghihintay ng aking sagot. "Oo." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Ficción GeneralThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...