Chapter 34.
Two months later.
Maraming nagbago. Naging maaliwalas na ang mansyon. May mga nahired na ring mga maid at butlers si Raziel para daw may magbantay sa akin, since wala na akong sapat na lakas para mamalakad sa Hotel and Resort na iniwan ni Ramael, ay si Raziel na ang pinapamanage ko doon since naalala ko na nagtapos siya ng Business Management. Alam kong kaya na niya iyon. Kumuha din siya ng tagapag-alaga para kay Rhys. Minsan pa ay inaalagaan ko iyon. Gusto ko kasi maranasan ang mga ginagawa ng mga nanay para kung sakaling lumabas na ang anak ko sa mundong ito ay magagawa ko iyon.
Palagi na akong nananatili si kuwarto namin ni Ramael. Unti-unti ko na napapansin na nagiging mahina na ako. Parang kinuha ang bawat lakas ko sa mga araw na dumadaan.
Noong nakaraang buwan, I was suffer in depression. Hindi ko matanggap kasi ang lahat. Palagi akong nagkukulong sa kuwarto at panay tulog. Nagbabakasakaling dalawan man lang ako ni Ramael sa panaginip ko ngunit bigo ako. Akala ko din noon ay malalaglag ang anak ko... Buti pala, hindi... Buti makapit siya...
**
"Remember me, though I have to say goodbye... Remember me, don't let it make you cry...Forever if I'm far away I hold you in my heart...I sing a secret song to you each night we are apart... Ouch!"
"Okay ka lang ba, Beth?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Raziel nang marinig niya akong dumaing dahil sa sakit ng tyan.
Napangiwi ako at tumango. "Ayos lang ako. Ramdam ko lang ang pagsipa ng anak ko..." Sabi ko at kumuha ng mansanas sa aking tabi.
Nagbuntong-hininga siya. Sign of relief. "Madalas nang sumisipa iyang anak mo, ah." Natatawang sabi niya. Nakaupo siya sa single couch. And suddenly, his face turned into worry and sadness. "Sayang, wala siya para maalagaan niya kayo..."
I can feel my heart clenched. Nasulyap ako sa malaking portrait na nakasabit sa pader ng kuwartong ito. Litrato namin ni Ramael noong kinasal kami. Sinadya ko talagang huwag ipatanggal iyon.
Marami man nagbago sa paligid ko pero iisa lang ang hinding hindi magbabago at iyon ay ang pagmamahal ko sa kaniya... Kahit kailan ay hinding hindi siya mabubura sa puso ko.
"Lilith..." Kusang lumabas sa aking bibig ang pangalan na iyon.
"Huh?"
Bumaling ako kay Raziel at ngumiti. "Ipapangalan kong Lilith ang anak namin ni Ramael. Pero kung lalaki... Hmm... Ramael nalang siguro." Then I chuckled. Hinaplos ko ang aking tyan. "Nalaman ko na ang totoo, Raziel..."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Matutulad ako kay Trish, hindi ba?" Walang alinlangan kong tinanong iyon. Tiningnan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata. "Kung anong nangyayari sa akin ngayon ay nangyari din kay Trish. Kitang kita ko kung papaano siya nanghina noon, at ito ang nangyayari sa akin..."
Hindi siya makapagsalita. Mas lalo ko nababasa ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Raziel, alam kong selfish pakinggan kung sakaling sasabihin ko sa iyo ito..." Dagdag ko pa. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Kung sakaling ipinanganak na ang anak namin ni Ramael... Pwede bang ikaw na ang bahala sa kaniya? Sa kanila ni Rhys?"
Kita ko ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata. "I'm sorry..." Saka yumuko siya. "Kung nilihim ko, dahil ayokong masaktan ka sa oras na malalaman mo ang totoo."
Umiling ako. "Alam mo bang masaya ako? Kasi nakilala ko kayo? Nakilala kita... Si Ramael... At si Lucille? Ang akala ko, habambuhay lang ako matatakot. Lagi ko kinukwesyon kung bakit naging ganito ang kapalaran ko... Kung bakit hindi na normal? Nalaman ko din ang kasagutan na iyon, Raziel..." Kusang pumatak na ang luha ko. "Lahat may dahilan. Hindi ka nagkulang bilang kaibigan sa amin. Nagawa mo kaming protektahan ng anak ko alang-alang kay Ramael..."
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
General FictionThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...