Chapter 32.
Pinasuot ako ni Raziel ng itim na balabal para hindi ako agad makilala na isa akong tao o nakatakas mula sa Maternal Plane. Gayudin ang mga kasama ko. Ayon kay Lucille, ang lahat ay magsusuot ng ganito sa tuwing may bibitayin lalo na ang tulad ni Ramael.
Tumambad sa amin ang mga kumpulan ng mga demonyo na halos hindi mahulugan ng karayom habang nasa gitna ang tower hill. Ibig sabihin, this is a public execution?!
Walang tigil ang pagkabog ng aking dibdib. Tumingin ako kay Raziel. "P-pwede bang makalapit tayo ng kaunti?" I plead. My voice were shaking.
Nagkatinginan silang dalawa ni Lucille. May halong awa at lungkot sa kanilang mga mata pero sa huli ay pumayag din sila. Humakbang kami at nakipagsiksikan pa para marating namin ang medyo harap. Mabuti natutulog ang baby na hawak ni Lucille. Ang totoo niyan ay tinago niya ang bata sa loob ng mahaba niyang balabal.
Ilang saglit pa ang lumipas. The horn sound were started. It announces of Ramael's death...
Inaabangan ko ang paglabas ni Ramael. Napasapo ako sa aking dibdib habang ang isang kamay ko ay humigpit sa pagkahawak sa damit ni Raziel. Ramdam ko na napatingin siya sa akin sa aking ginawa. Hindi ko rin siya magawang tingnan pabalik dahil natuon ang tingin ko sa malaking pinto kung saan lalabas si Ramael at hindi nga ako nabigo. Dahan-dahan nagbukas iyon. May iilang lumabas doon. Mga sampu sila. Including Flavius. Tulad namin ay nakasuot ng balabal na may marka na apoy na kanilang hood... They looks like a cult...
"Lucifer, the Demons Chief of Staff, the Princes of Hell and the Knights of Hell." Rinig kong sabi ni Lucille sa gilid ko.
Umakyat sila sa isa pang tore upang panoorin ang pagbitay.
Muli tumunog ang malaking tambuli. Lumabas doon ang sampung demon guards pati si Ramael habang nakagapos ng kadena. Pinapalibutan siya ng mga ito.
Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang estado niya ngayon. Parang dinudurog ang puso ko. Parang gusto kong tumakbo palapit sa kaniya upang yakapin ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka mahalata kami lalo ni Flavius. Hahanap kami ng tyempo para maitakas namin si Ramael.
Nagpaiwan ang walong guard sa ibaba habang ineescort siya ng dalawa palng guard. Sa tuktok ng tower hill, may isang lalaki na may hawak na malaking espada! Wait, is he an executor?!
"He's also a Hell torturer, Beth." Bulong sa akin ni Lucilee.
Lihim ko kinagat ang aking labi.
"Ramael, one of the Prince of Hell, with a penalty of death, so decreed and ordered by the Ordinary Court, you will be punished in betrayal. In the name of the King of Hell, Lucifer, anyone who raises his voice in favor of the criminal will be executed!" Demons of Chief of Staff said loudly.
Muli tumunog ang tambuli.
Pwersahan nilang pinaluhod si Ramael harap ng madla. Inangat ng Hell torturer ang hawak niyang espada. Humakbang siya palapit kay Ramael. Naiiyak na ako. Hindi ko na kaya na ikimkim ito. Kinuyom ko ang palad ko.
May mga lumapit na dalawang guard kay Ramael. They spread Ramael's wings. Walang sabi na mabilis pinutol ang isang pakpak niya!
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!" Sigaw ni Ramael.
Napasinghap ako sa aking nasaksihan. Parang sinaksak ang punyal ang puso ko.
Sunod naman ang huling pakpak niya.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" May halong iyak ni Ramael sa boses niya.
Tumulo ang isang luha ko. Hindi ko na kayang makita ang paghihigat ni Ramael. 'Tama na...'
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Ficción GeneralThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...