Chapter 33.
Hindi ko maitago ang pagod at pighati habang nasa loob kami ng sasakyan ni Raziel. Nakabalik kami kanina sa maliit na bahay kung saan kami nagstay noong panahon na kailangan naming tumakas dahil hinahanap kami ni Flavius para kunin. Hiniling ko na gusto kong bumalik kami ngayon sa Batangas upang umuwi na sa mismong mansyon ni Ramael.
Nakadungaw lang ako sa bintana habang nasa bisig ko ang sanggol. Ang anak ni Trish. Nahimbing ito natutulog. Ang akala ko ay iyakin ito ngunit nagkamali ako. Hindi ako binibigyan ng problema ng batang ito. Sa tingin ko ay mabait ito paglaki. Nasa tabi ko lang ang dalawa na maliit na ceramic jar kung saan ko nilagay ang abo ni Ramael at Lucille.
Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan. Sa backseat ako nakaupo habang si Raziel ang nagmamaneho. Pinagmamasdan ko lang ang kapatagan sa labas. Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang pinaghalong pula at dalandan na araw. Malapit na din pala maggabi... Parang kailan lang... Parang dati lang na kinasal kami, naging mag-asawa, magkakaroon ng anak... Hanggang sa namatay siya sa piling ko.
**
Tahimik kaming nakabalik ni Raziel sa mansyon ni Ramael. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sa kaniya ko muna pinahawak si Rhys na mahimbing pa rin natutulog. Nasa bisig ko ang abo ni Ramael habang nasa kaniya naman ang abo ni Lucille na alam ko ay may gagawin siya doon.
Pagtapak ko sa loob ng mansyon ay iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Parang kailan lang noong unang dating ko dito. Hindi mabura sa isipan ko kung papaano ako kinidnap ng demonyo na iyon dahil pinanindigan niya na ako ang magiging ina ng kaniyang anak.
Hindi ko rin maitindihan ang sarili ko kung bakit at papaano ko nagawang manatili kahit na takot na takot ako sa kaniya ng mga oras na iyon. Maraming pagkakataon ako pwedeng tumakas o hindi kaya itulak ko siya papalayo sa akin pero mas pinili ko pa na manatili.
Sumilip ako sa Kusina. Nilapitan ko ang mahabang mesa at hinaplos iyon. Mas lalo nananig ang lungkot sa puso ko. Naalala ko pa ang masasayang araw buhat nang dumating si Raziel dito. Naalala ko pa ang mga masasayang araw na iyon. Kahit na magkaiba silang dalawa, hindi naging hadlang upang mabuo ang pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa. Isang maliit na ngiti ang umukit sa aking mga labi.
Hanggang sa napadpad ako sa kwarto mismo ni Ramael.
Nilapitan ko ang kama. Ipinatong ko ang aking hawak na ceramic jar sa side table. Umupo ako sa gilid ng kama hanggang sa marahan akong humiga. Hinaplos ko ang bed sheet. Parang naninikip ang dibdib ko. Siguro dahil sa pangungulila ko kay Ramael.
Marami ding alaala na meron sa kuwartong ito. Dito ko nalaman na nahuhulog na ang loob niya sa akin. Sinabi niya sa akin na poprotektahan niya ako... Gusto niyang manatili sa tabi ko... Dito ko nalaman kung gaano siya kaperpektong boyfriend sa akin. Ang lalaking minahal ko ng buo... My other half was suddenly gone...
Tumagilid ako ng higa.
"Hello, baby..." He greeted me cheerfully.
Hind ko magawang magsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko magawang sagutin ang bati niyang iyon.
Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi at ngumiti siya. "You don't know how much you made me happy. Lalo na ikaw ang bumubungad ng umaga ko..." Malumanay niyang sambit. "Everytime I see your face, you motivated me to work harder for our future."
Parang pinipiga ang puso ko kasabay na nanginginig ang bibig ko. Sinikap kong igalaw ang isang kamay ko para abutin siya but he fade away.
Marahas tumulo ang mga luha ko at pumatak iyon sa bed sheet ng kama.
My beloved husband, Ramael Black is now an imagination. Isa na siyang balintataw sa aking isipan. Doon nalang siya mabubuhay. At ayokong maalis iyon.
**
Tahimik at maingat akong naglalakad sa gtina ng kagubatan. Hawak-hawak ko ang abo ni Ramael. Hinahawi ko ang mga halaman na humaharang sa aking dinadaanan hanggang sa may naririnig akong tunog.
Napahinto ako sa paglalakad nang tumambad sa akin ang magandang ilog. Ang lugar na ito ay malaking bagay sa pagkatao ko... Sa alaala ni Ramael.
Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ko iyon. Maliwanag ang buwan ngayon. Mas dumadami ang mga alitaptap sa paligid ng ilog upang mas maging maliwanag.
"Beautiful, isn't it?"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Ramael. Nakasandal siya sa malaking puno at nakangiti then he fade away again.
Dumapo ang tingin ko sa malapad at malaking bato... Kung saan ko sinuko ang buong-buo ang aking sarili sa kaniya. Napahawak ako sa aking tyan. Natigilan ako nang may napansin ako. Medyo nagkakaroon na ng umbok iyon. Bumaba ang tingin ko para makompirma ko iyon at hindi nga ako nagkakamali.
"Papaano ko ba sasabihin sa iyo ito, anak?" Mahinang sabi ko. Malumanay kong hinahaplos ang aking tyan. "W-wala na ang tatay mo... H-hindi na tayo kompleto..." My voice almost cracked.
Muli ako nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Binuksan ko ang takip ng jar na hawak ko. Lumapit ako sa ilog ng kakaunti at maingat. Medyo mahangin naman dito.
Naglabas ako ng kaunting abo at pinakawalan ko iyon sa hangin. Ginawa ko iyon hanggang sa wala nang maitira.
Kahit masakit ay kailangan kong tiisin.
"Titiisin ko pero hindi ko pa rin kayang tanggapin ang katotohanan na wala ka na sa akin, Ramael..." Nanghihinang sabi ko.
"Beth,"
Napalingon ako. Tumambad sa akin si Raziel na nakatayo sa hindi kalayuan sa akin. Bakas sa mga mata niya ang lungkot at sakit. Humakbang siya palapit sa akin hanggang nasa tabi ko na siya mismo.
"Sorry kung hindi ko magawang iligtas s-sila..."
Napatingala ako sa buwan. "Hindi mo kasalanan kung bakit ganoon ang sinapit nila, Raziel..." Ibalik ko sa kaniya ang tingin. Hilaw akong ngumiti. "Nagawa mo naman ang hinihiling niya, hindi ba?"
Natigilan siya. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang nakita ang pag-iyak ni Raziel. Yumuko siya at tinakpan niya ang kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapaiyak sa harap ko. I know, he blaming himself... Nawalan na nga siya ng kaibigan, nawalan pa siya ng minamahal.
"Kailangan na nating umuwi, Raziel. Iniwan mo si Rhys sa mansyon... Baka umiyak iyon." Sabi ko.
Tumango lang siya kahit na naiiyak pa rin.
Bago kami tumuloy ay nilingon ko ang ilog.
'Patuloy pa rin kitang hihintayin, Ramael. Kahit na alam kong hindi ka na makakauwi sa piling ko... Sa piling namin...'
I hope you can watch over me and your child. I love you, my love. I will never, ever change my love for you. I guess it is hard for me to let you go. I still cannot accept the fact that you are no longer here, with us. I do not even know if I can do it, or will I ever be able to do it. I always tell myself that I am such a lucky person to have found someone who would love me back. Kahit malaki ang pinagkaiba natin. I always thought that you and I will be together until the very end although it's hard that I will not be able to be with me... Tatagan ko ang sarili ko para sa anak natin, Ramael...
Sana kaya ko... Sana ay kakayanin namin...
▶▶
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Ficción GeneralThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...