chapter23.

5.7K 137 6
                                    

Chapter 23.

I got a grumbling stomach with a dinner buffet at the dining table. Paniguradong masasarap ang mga iyon. Hindi ko alam na talagang pinaghandaan nga ni Ramael ang gabi na ito. Beef pot roast, honey glazed spare ribs, pescado ala romana and fresh garden salad with dressing and fruit platter in season ang nasa mesa. This date was so grand and really luxurious.

I really appreciate this. Hindi talaga mawala-mawala sa kaniya ang mga ganitong sopresa. Mukhang hindi siya mauubusan.

"I hope you like my surprise for you, baby." Wika ni Ramael bago kami kumain.

Isang malapad na ngiti ang binigay ko. "I love it, Ram. Sobra-sobra na nga, eh." Then I chuckled. "Hindi ka talaga nauubusan ng sweet bones sa katawan, my dear boyfriend."

Napangiti na din siya. "I'll do everything just to make you happy and I'll always see your smiles." He said.

Habang kumakain kami ay napatingin ako sa papalubog na araw. This is the first time. Watching the sunset with my boyfriend. Siguro dahil sa no boyfriend since at hopeless romantic ako noon ay pinapangarap ko din na makasama ko ang magiging first boyfriend ko na mapanood ang ganito. Ganito pala ang feeling. I feel delighted. Kahit naman na wala na ang ganito, sobrang saya ko na dahil kahit simple lang naman ang ibigay sa akin ni Ramael ay masaya na ako doon...

It's a one hour tour yacht tour pala ito. Hindi na din masama. Tanaw ko ang Manila Skyline, Solaire and Mall of Asia. Mas lalo ako nasiyahan nang mapanood namin ang fire display sa MOA. Mas lalo nadagdagan ang kasiyahan na nararamdaman ko. This is such a wonderful experience with him. Dobleng swerte ko pagdating sa kaniya.

Ramdam ko ang pagyapos niya sa aking bewang habang pinapanood namin ang fireworks. "Fireworks are sign of happiness, Bethany. I want to celebrate how much I'm grateful that you now mine." Anas niya sa aking tainga. Niyakap na niya ako mula sa likuran. Ginawaran niya ng isang maliit na halik ang aking balikat bago man niya ipinatong ang chin niya doon. "I promise I'll take you anywhere you want."

"Ram naman..." May halong hiya nang sambitin ko ang pangalan niya. "Simple life is enough. Basta ang gusto ko lang, makasama lang kita. Iyon lang."

"Malapit na, baby. You should be ready in my next move. Hmm?"

**

Tumigil na ang sasakyan ni Ramael sa bahay namin. Pinark niya iyon sa tapat. Oh, bukas pa pala ang karinderya ni tita? Pansin ko, mas dumami ang mga kumakain doon.

Unang lumabas si Ramael hanggang sa pagbuksan niya ako pinto. Hawak niya ako sa bewang hanggang sa pumasok kami sa naturang karinderya.

"Ay, nariyan na kayo!" Tuwang-tuwang bulalas ni tita Tilda nang makita niya kami. Agad niya kaming sinalubong. Niyakap niya ako. "Kumain na ba kayo?" Tanong niya sa amin.

"Opo, tita." Masayang tugon ko. "Mukhang mas dumami ang costumers ninyo..." Karamihan pa ay mga babae!

Bumungisngis si tita. "Papaano kasi, may inaabangan sila..." Tumingin siya kay Ramael at ngumuso. "Dahil sa kaniya."

Tumaas ang kilay ko at bumaling kay Ramael. May bakas sa mukha ko ang pagkamangha. "May fans ka na pala." At tumawa ako.

Kumunot ang noo niya. "Fans?" Ulit pa niya, parang hindi niya alam ang ibig kong sabihin doon.

"Tagahanga. Marami ka nang tagahanga dahil sa kaguwapuhan mo." I said with a tease.

"Tilda! Nand'yan na ba ang boyfriend ng pamangkin mo?" Biglang tanong ng isang bakla na nasa bandang likuran namin.

Sabay namin nilingon ni Ramael iyon. Napaawang ang bibig ko kasi over naman sa pagiging fashionista ang isang ito. Gabi na nga pero nakasuot pa siya ng Rayban sunglasses. Nasaan ang sense ng fashion niya dito? Hmm...?

Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon