Chapter 26.
Hindi maalis sa mga labi ko ang saya. Halo-halo na ang emosyon ko ngayon. Pero iisa lang ang nangingibabaw sa akin iyon ay ang saya. Masaya ako dahil ikakasal na ako kay Ramael na mahal na mahal ko. Kahit na hindi talaga siya tao, tanggap ko pa rin siya kahit anong mangyari. Wala akong nararamdaman na pag-aalinlangan. Wala na akong pakialam kung ano man ang problema ang ikakaharap namin ngayon, basta sasamahan ko siyang harapin iyon.
Panay kuha sa akin ni Shayne at Carmz ng litrato. Habang si tita Tilda naman ay naiiyak, inaalo naman siya ni Jasmine.
"Grabe, ikaw na talaga, Beth!" Bulalas ni Shayne. "Ang ganda mong bride. Ughh..."
I was wearing an infinity white dress. Medyo backless pa ng pero iyon ang gusto ni Ramael kaya sinunod ko nalang. I'm also wearing a white rose flower crown and a white round-toe pumps. Talaga ang fiancé ko ang nag-asikaso ng lahat. Kahit itong damit ko, siya ang pumili.
Nalaman ko na kung bakit siya nagpakalasing ng gabing iyon. Brokenhearted daw siya. Nalaman kasi niya na ikakasal na daw ang lalaking nagustuhan niya. Balewala daw ang effort niya na magpapansin doon.
"The groom is waiting, Miss Beth." Clyde Faye and Kristine Hermoso announced. Sila ang mga wedding organizer na kinuha ni Ramael para sa araw na ito.
I nod and smiled. "Alright..."
Sa garden ng mansyon gaganapin ang kasal namin ni Ramael. Hindi ko alam na maganda pala dito. Ang akala ko pa nga ay puros patay na halaman at creepy ang meron dito. Ang sabi ni Lucille ay niremedyuhan na ito ni Raziel kaya maganda na daw tingnan, ang mas nagpapaganda pa dito ay ang mga palamuti para sa araw na ito.
Civil wedding ang kasal namin. Alam ko naman na imposibleng ikasal kami ni Ramael sa simbahan. Mas maigi na ito, atleast ikakasal pa rin kami kahit anong mangyari.
Medyo mabilis nga lang pero mukhang sigurado talaga siya na mapapa-oo niya ako sa pag-alok niya ng kasal. Mukhang pinaghandaan talaga niya. Kahit na civil lang itong kasal namin, engrande pa rin.
Tanaw ko si Ramael at Raziel na nakatayo sa tabi ng officiant na siya ang magkakasal sa aming dalawa. Pareho silang nakangiti habang pinagmamasdan nila ako na naglalakad sa aisle. Humigpit ang pagkahawak ko sa white rose bouquet with a baby's breath at the side.
He's wearing a white three-piece-suit with a white corsage in his left chest. Tumitingkad pa rin ang kaguwapuhan niya sa postura niya. Hindi mo talaga aakalain na literal na demonyo siya. Napangiti ako nang nagtama ang mga tingin namin. Mas lumapad ang ngiti niya.
Until I reached him. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay saka dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad. "Ang ganda mo talaga..." Mahinang sambit niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Bumuhay ang kilig sa aking sistema. Nagtama ang mga tingin namin. This is the day that I'm willing to give my everything I have to my love. My body, my soul and my heart.
I cannot speak. Wala akong makapa na tamang salita para sagutin iyon. Siguro dahil sa umaapaw na saya na aking nararamdaman.
Hanggang sa mismong harap na kami ng officiant. May hawak siyang manipis na libro.
"Today, we are gathered to join these two people in the loving bonds of marriage. In marriage, we give ourselves freely and generously into the hands of the one we love, and in doing so, each of us receives the love and trust of the other as our most precious gift." Panimula ng officiant. Sa amin naman nakatuon ang kaniyang tingin which he addressing us. "Do you each enter this marriage of you own free will?"
Sabay kaming sumagot ni Ramael ng oo.
Tumikhim ang officiant bago siya ulit nagpatuloy. Bumaling siya kay Ramael. "Do you Ramael, take Bethany to be your lawfully wedded partner? Do you swear in the presence of those gathered here you will love, honor, cherish and comfort her, in good times and bad, forevermore?"
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Художественная прозаThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...