Chapter 29.
Tumigil ang sasakyan sa isang maliit na bahay. Medyo malayo na kami. Ang sabi sa akin ni Raziel ay dalawang oras daw ang biniyahe namin pero wala akong ideya kung nasa Batangas pa rin ba kami. Basta ang nakikita ko lang ay liblib ang lugar na ito. Wala masyadong kabahayan. Napapaligiran ng mga puno at mga halaman ang bungalow house na ito.
"Nakahanda na ang bahay na ito bilang matutuluyan natin. Dito din natin h-hihintayin si R-Ramael..." Sabi ni Raziel na may pilit na ngiti.
Bumaling ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "Ayos ka lang ba, Raziel?" May halong pag-aalala sa aking boses nang tanungin ko iyon.
"A-ah! Oo naman. Nasa kanan ang kuwarto mo pala, Beth. Alam kong gutom ka na, ipagluluto nalang kita ng makakain mo." Sabi niya.
Tatanungin ko pa sana siya nang tinalikuran na niya ako at tumungo na siya sa kusina para maghanda ng makakakain namin. Kumawala ako ng isang buntong-hininga. Bumaling ako sa orasan na nasa aking cellphone. Alas diez na pala ng gabi. Nagpasya akong pumasok sa kuwarto kung san itinuro sa akin ni Raziel. Pinihit ko ang pinto, kinapa ko ang switch ng ilaw sa pader. Bumungad sa akin ang kuwarto na tanging katre, mesa at upuan na yari sa kahoy ang tanging kagamitan dito. Kita ko rin ang puting kurtina na sumasayaw sa malamig na hangin. Humakbang ako palapit doon at hinawi ng bahagya ang naturang kurtina na ito.
Nababalutan na din ako ng pangangamba para kay Ramael. Ano na kaya ang lagay niya doon? Gayundin ang kapatid niyang si Lucille? Ano na kaya ang balita sa kanilang dalawa? Hindi kaya sila napahamak doon? Natalo kaya nila si Flarvius?
Napasapo ako sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Bumibilis ang pintig ng aking puso. Mayroon bang hindi magandang nangyari kaya ganito ang aking nararamdaman?
"Huwag naman sana." Kumbinsi ko sa aking sarili. Lumipat ang aking palad sa aking tyan. Tiningnan ko iyon. "Babalik ang daddy mo, anak. Naniniwala ka rin, hindi ba? Babalik din siya?"
Kahit na hindi pa gaano lumalaki ang aking tyan, ay ginagawa ko ang kalimitian na ginagawa ng mga buntis. Kinakausap ang kaniyang anak sa kani-kanilang sinapupunan. Kahit papaano ay napangiti ako. "Kapag hindi nakauwi si daddy, ako mismong susundo sa kaniya, anak. Pangako 'yan..."
**
Ilang minuto pa ang lumipas ay pinuntahan ako ni Raziel dito sa kuwarto na may dala na niya ang pagkain. Inaya ko siya na sabay na kaming kumain. Kahit din na wala talaga akong ganang kumain dahil sa pag-aalala ko sa asawa ko ay kailangan, para sa anak namin. Hindi ko hahayaang magutom siya.
"Kailangan mo magpahinga pagkatapos mong pagbaba ng kinain, Beth." Nakangiting bilin sa akin ni Raziel pagkatapos naming kumain.
Tipid akong ngumiti pabalik saka tumago. "Ikaw din, magpahinga ka na, Raziel. Alam kong napagod ka na sa pagmamaneho." Wika ko pa.
Bago siya tuluyang umalis ay may inilabas siyang isang card mula sa bulsa ng kaniyang leather jacket. Inabot niya iyon sa akin. Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "Sa oras na lalapitan ka ng kampon ni Flavius, ilabas mo lang ito, paniguradong hindi ka nila mahawakan o malalapitan. Title card ang tawag dito. May nakaukit a Devil's trap, isa sa mga kahinaan nila ang simbolo na 'yan..."
Walang alinlangan kong tinanggap ang bagay na iyon. "Salamat, Raziel." Mahinang sabi ko.
Tumango siya. "Good night, Bethany." Bati niya bago man siya lumabas ng kuwartong ito.
Ngiti lang ang tanging naisagot ko. Pinapanood ko lang kung papaano niya sinara ang pinto. Nilipat ko ang aking tingin sa title card na hawak ko. Pinagmasdan ko iyon. May bilog na may pentagon sa loob ng bilog na iyon.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Fiction généraleThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...