chapter19.

6.6K 178 7
                                    

Hindi man lang mahupa ang inis ko sa kaniya! Parang mas lalo pa yata nadagdagan. Papaano kasi, kaninang umaga, hindi man lang din niya ako pinapansin! Tahimik lang din kami papunta sa Hacienda Virginia. Nakakainis talaga! So walang kibuan competition ito, ganoon? Eh sige, challenge accepted! Bahala siya sa buhay niya!

Wala ako sa opisina niya ngayon. Pagala-gala lang ako dito sa beach. Napadpad ako sa isang nipa-hut style pero hindi siya bahay kungdi—bar. Kaso, sarado pa ito. May namataan akong tao sa gilid, abala sa paglilinis. Hindi ako nag-atubiling daluhan ang naturang lalaki na iyon.

"Excuse me, pwede po magtanong?" Panimula ko.

Tumigil saglit ang manong at bumaling sa akin. "Ano 'yon, iha?"

Tinuro ko ang sinasabing bar. "Anong oras po ito magbubukas?" Tanong ko.

Sinundan niya ng tingin ang tinuturo ko. "Ah, alas otso pa po kami magbubukas..."

Tumango ako. Napangiti. "Thank you po, manong. Sige po." Paalam ko at umalis na.

Habang naglalakad ako, may nabubuong ideya sa aking isipan. Hindi ko muna sasabihin dahil paniguradong malalaman ng siraulong demonyo na iyon kung ano ang maiisip ko.

Sinadya ko talagang sayangin ang oras ko sa paggagala. Hindi pa rin ako bumabalik sa opisina. Ayoko siyang makita ngayon. Mas maigi kung magmumuni-muni ako. Wala rin naman akong gagawin sa opisina niya. Nagpasya akong magcheck in sa isang hotel, sa kabilang resort. Kailangan ko ng kahit kakaunting realizations tungkol kagabi.

Bakit ako nadismayasa binigay niyang damit? Siguro dahil malaki at mataas ang expectations ko. Siguro dahil babae ako, I want to show off kahit minsan lang. Kahit na sabihin nating conservative din ako.

Iyon lang ba? Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ako nagalit sa kaniyang kahapon? Puwede rin. Pero biglang may sumagi sa isipan ko ang isang bagay. Wait, imposible naman siguro iyon, diba?

Imposible akong magkagusto sa isang tulad niya. Hindi at never. Anak lang naman ang habol niya sa akin. Wala nang hihigit pa doon. Kailangan niya lang ako para makagawa ng sinasbai niyang cambion. Sa katunayan pa nga ay nagresearch na din ako tungkol sa tinutukoy niya.

Crossbreed ng tao at demonyo. Ano akala niya sa akin? Aso?!

Pero, alin man doon, incubus man ang tatay nito o succubus ang nanay nito. Kapag ipinanganak sila, tao pa rin naman pero nananalaytay sa katawan nila ang katangian ng demonyo. Ayon din sa nareasearch ko, wala daw pulso ang mga baby cambions. Nagagawa pa rin daw galawin ang kanilang katawan hanggang sa tumuntong sila ng pitong taong gulang. Pagsapit ng ganoong edad ay doon na daw lalabas ang mga abilidad na meron sila...

Iniisip ko palang ay kinikilabutan na ako. Jusme, ano ba itong pinasok ko? Bakit nga ba ako pumayag sa demonyo na iyon?! Kung alam ko lang na ganoon ang klaseng unnatural na tao ang magiging bunga namin ni Ramael!

Nakakainis! Makatulog na nga muna!

**

[ Third Person's POV ]

Sabay na pumasok sina Raziel at Lucille sa Opisina ni Ramael. Tumambad sa kanila si Ramael na tahimik na nakaupo sa swivel chair nito. Malalim ang kaniyang iniisip.

"Bakit mo kami pinapatawag, kuya?" Usisa ni Lucille sa kaniyang kapatid.

"Mukhang importante ang pag-uusapan natin, ah." Wika naman ni Raziel saka humalukipkip. "Tama ba?"

Seryoso silang tiningnan ni Ramael. "Hindi pa rin niya ako kinakausap..."

Natigilan ang dalawa sa kaniyang sinabi. Nagkatinginan sina Raziel at Lucille ng ilang segundo hanggang sa ngumisi. Bumaling sila kay Ramael.

Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon