"Magbihis ka na."
Napabuntong-hininga ako saka isa-isa ko sinusuot ang mga damit sa aking katawan. Hindi namin nagawa ang tinutukoy na home run. Instead, he just touching, lick and kiss me. Kumbaga, make out lang. Malaking pasasalamat ko dahil hindi niya ako tinuluyan. Hindi namin nagawa ang mismong bagay na iyon. May parte na gustong gusto ko magprotesta pero hindi ko rin magawa. Ang akala ko, ang lalaki lang sa panaginip ko ang may kakayahang kontrolin ang katawan ko. Pero kay Ramael, isang sabi lang niya, napapasunod din niya ako sa hindi malaman na dahilan.
"Maybe this is the right time." He said. Prente siyang nakaupo sa couch habang inaayos niya ang kaniyang long sleeves polo shirt. Hinawi niya paitaas ang kaniyang buhok na hanggang balikat ang haba.
Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ibig sabihin, may kasunod pa?! "A-ano ba talagang kailangan mo sa akin, Sir..."
"I said don't ever call me in formal way, Bethany." Mariin niyang utas na kunot ang noo. Tumayo siya saka nilapitan niya ako. Halos magkadikit na naman ang mga katawan namin. "As what I have said last night. You're gonna be the mother of my future child."
Tila may nakabara na kung ano sa aking lalamunan kaya hindi ako agad makapagsalita o magprotesta.
Napabuntong-hininga ako nang nakabalik ako sa hotel room, ni hindi namin napag-usapan ang tungkol sa trabaho.
Laylay ang mga kabilang balikat ko pagkaupo ko sa malapad na couch. Isinandal ko ang aking likod. Kinagat ang aking labi at pumikit ng mariin.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nagkakaganito ako? Ang buong akala ko ay tapos na ang pagpaparamdam sa akin ng lalaking nasa panaginip ko. Pero bumalik pa siya at may nangyari pa sa amin kagabi.
"Beth, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jasmine, katawagan ko siya ngayon through skype.
Hilaw akong ngumiti. "Yeah, okay lang ako." Sagot ko naman.
Bumuntong-hininga ako. Pilit kong maging mag-focus sa trabaho. Trabaho ang ipinunta ko dito. Ayoko munang isipin ang nangyayari sa akin. Ayokong maapektuhan iyon sa daily routines ko. Tama.
Binalak ko nalang magkulong dito. Inabala ko nalang ang sarili ko. Nakatutok ako sa harap ng laptop. Nireview ko ang mga shots na hindi ko pa natapos. Dahil sa masyado akong nakafocus sa aking trabaho ay hindi ko namamalayan ang oras. Nagpasya akong pagdala ng pagkain dito mismo sa kuwarto. Ayokong lumabas, baka magkrus na naman ang mga landas namin ng Ramael Black na iyon.
"Seriously, what's goin' on with you, Beth? May problema ka ba? You can tell us." Tanong ni Carmz, kausap ko ngayon sa pamamagitan ng telepono. "Nakaloud speaker ito. Ikaw lang ang wala ngayon."
Napalunok ako at napabuntong-hininga. . "Wala naman akong problema... Stress lang siguro ako dahil sa trabaho." Palusot ko. Sana naman ay kumagat sila o maniwala.
"Are you sure?" Segunda pa ni Jasmine.
Tumango ako. "Oo naman. Siguradong sigurado ako." Sagot ko.
"If you say so..." Si Shayne. Sa boses palang niya, mukhang hindi siya kumbinsido.
"Promise, stress lang ito sa trabaho." Paggigiit ko pa.
"Siya nga pala, naghahanap sa iyo." Si Carmz naman ang nagsalita. "Ang guwapo at ang hot niya."
"He's so smexy!" Segunda naman ni Shayne saka tumawa.
Sino naman ang naghahanap sa akin? Base sa pagkakuwento nila, hindi nilala kilala iyon. Imposible din naman si William iyon. Tsk.
Speaking, wala na din akong balita sa isang iyon. Ang huling pag-uusap nalang kasi namin ay iyong graduation namin ng Grade 10, after noon, wala na. Lumipat na din naman kami ni tita noon. Kaya okay na din. Wala nang mangungulit pa sa akin.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Aktuelle LiteraturThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...