Kahit sa harap ng pagkain ay hindi matigil ang away sa pagitan nina Ramael at Raziel. Tahimik pero ramdam ko ang itim na aura na pumapalibot sa buong Dining Area. Lalo na 'yung tinginan nilang dalawa. Parang magpapatayan na. Wala naman ako magawa kungdi manood lang sa kanila. Hinahayaan ko nalang sila. Kahit anong pigil ko naman sa kanilang dalawa, hindi magpapapigil. Mas mabuti pa ngang ituloy ko nalang itong pagkain na niluto ni Raziel. Masarap pa naman.
Ten ng umaga na kami natapos kumain ay nagpasya nang kaming umalis ni Ramael samantalang si Raziel ay magpapaiwan. Maglilinis daw siya ng mansyon. Bayad daw niya sa pagpapatuloy sa kaniya nito ni Ramael.
"Mag-iingat kayong dalawa." Nakangiting kaway sa amin ni Raziel. He's wearing simpleng printed shirt, faded jeans, crocs slippers. May apron at bandana pa. Parang maggegeneral cleaning siya sa lagay na iyan. "Oy, dude. Pasalubong, ha?"
Ramael crinkled his nose. Parang napipikon na naman. "As if." He commented.
Ngumuso naman si Raziel. "Kahit kailan hindi ka talaga nagiging sweet sa akin. Minsan mo lang ako pasalubungan kahit pagkain, wala akong matanggap." Saka pumunta siya sa isang gilid at nagmukmok. "Hindi mo ako mahal, dude."
"Gross." Kumento ulit si Ramael.
Ngumiti ako. Ganito pala ang dalawnag ito. "Ako na bahala sa pasalubong mo, Raziel." Sabat ko.
Lumingon sa akin si Raziel. From his horrible face, it turns into bright and cheerful one. Kulang nalang kuminang ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Nilapitan niya ako at walang sabi na hinawakan niya ang mga kamay ko. "Ang bait mo talaga sa akin, Beth."
Bigla naman pinulupot ni Ramael ang braso niya sa bewang ko at marahas niya akong inilayo mula kay Raziel. "Ang akala ko ba, hinding hindi mo hahawakan si Bethany, huh?!" Asik ni Ramael. "Anytime I can throw you-Tang ina, oo na, bibilhan kita ng pasalubong! Damn it."
Lalo lumapad ang ngiti ni Raziel. Inilapat niya ang kaniyang mga labi at tumayo sabay pumalakpak. "Iyan talaga ang gusto ko sa iyo, dude. Hinding hindi mo ako hinahayaang magutom dito sa mansyon."
"Whatever." Matalim siyang bumaling sa akin. "And you, get inside." Ang tinutukoy niya ang kaniyang sasakyan.
Sumunod naman ako. Binuksan ko ang pinto ng passenger's seat at pumasok doon. Tiningnan ko lang si Raziel na kumakaway habang si Ramael naman ay palapit na sa driver's seat hanggang sa nakasakay na siya dito.
**
Habang nasa sasakyan kami ay pareho kaming walang kibo ni Ramael. Nakadungaw lang ako sa bintana. Abala naman siya sa pagmamaneho. Wala rin naman akong maisip na itopic. Siguro dahil nahihiya pa rin ako buhat nang makita kami ni Raziel kanina... Ay may itatanong pala ako.
"Uhmmm..." Bumaling ako sa kaniya. "May tanong pala ako."
"What is it?" Seryoso niyang sabi ngunit nanatili pa rin siyang nakatingin sa kalsada.
"After ba nitong trabaho ko, pwede na ba akong bumalik sa Cavite? Hindi lang kasi ito ang trabaho ko. May mga naka-line up pa akong shooting."
"You really want to leave, Bethany?"
Napangiwi ako. "Atleast hindi ko plano tumakas, nagpapaalam na ako. And, I am a career woman, Ramael. Syempre, importante din naman sa akin ang trabaho ko."
"Why? Kaya naman kitang buhayin. I can provide everything you need. I can feed you, I can give you shelter, luxury, name it."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell?
"I mean it, Bethany."
"But photography is my passion, Ramael." Giit ko pa. "And you sounds like a boyfriend, ha!"
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Ficção GeralThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...