[ Ramael's POV ]
Kanina pa ako hindi mapakali. Inis na inis ako. Ang tagal naman tingnan ng doktor si Bethany. Pumaparito't pumaparoon ako. Basta hindi ako mapakali. Alam kong nahihilo na ang dalawa kong kasama dahil sa ginagawa ko.
"Kuya, can you please stop? Nahihilo na kami ni Raziel sa iyo, oh." Iratadang suway niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pinili ko nalang na huwag nalang magsalita. Basta ang sa akin lang ay kailangan kong malaman kung ano na ang nangyayari kay Bethany! Iba din ang pakiramdam ko. Alam kong uminom siya sa naturang bar na iyon. Tang ina. Hinding hindi mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyayari sa kaniya na masama!
Napatingin kaming lahat sa pinto nang lumabas na doon ang doktor pati ang kasama nitong nurse. Agad ko sila nilapitan. "What happend to her? Is she alright?" Hindi ko mapigilang itanong iyon.
Humarap sa akin ang doktor. "Okay na siya. She's under alcoholic beverages. Kumuha na din kami ng samples para malaman kung talagang nakatake siya ng drugs." Sagot niya. "Bukas ay ipapadala ko ang resulta, Mr. Black."
"Ihatid ko na po kayo sa labas, dok." Rinig kong alok ni Raziel sa kaniya.
Tumango ang doktor at sinundan niya si Raziel palabas sa mansyon na ito. Papasok na sana ako sa kuwarto nang bumaling ako kay Lucille. "You should take some rest , too. See ya tomorrow."
Ngumiti siya at tumango. "Ikaw din, kuya. Please take care of her. See you." Then she left.
Tuluyan na akong nakapasok sa loob ng kuwarto. Nilapitan ko ang kama kung nasaan nakahiga ngayon si Bethany. Nakapagpalit na din siya ng damit. She's now wearing victoria night gown bilang pampatulog niya. Umupo ako sa gilid at marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. She's peacefully sleeping right now.
I know, she's scared. She saw everything a while ago.
Hinayaan ko lang na masaksihan niya ang karumal-dural na sinapit ng Wiliiam na iyon. Yes, I know that guy. Siya ang dating nanliligaw kay Bethany. Galit na ako noon pa sa kaniya pero mas nadagdagan pa ang galit dahil sa ginawa niya-I will never forgive that asshole. Kahit na pinatay ko na siya.
"You think, she has a potential to make a cambion with you?" They asked me.
Tango lang ang naging sagot ko habang nakatitig lang sa kaniya.
Noon palang ay sinusubaybayan ko na siya. Isang beses palang na pumasok ako sa panaginip niya, alam kong masyado pa siyang bata para gawin ko sa kaniya ang bagay na ito pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. Bukod pa doon ay hindi naman niya agad malalaman na ako iyon dahil wala pa akong katawan. At ang unang plano ko talaga ay mabigyan niya ako ng anak mula sa kaniya ngunit mukhang nagkamali pa yata ako.
"Buhat nang nagkrus ang mga landas natin, Bethany, masyado ka bata. You're now a fully grown beautiful and alluring. Ngayong may katawan na ako, malayang malaya na akong makakalapit sa iyo. Malaya na kitang mahawakan, makausap..." Mahinang sabi ko.
Being harsh on her is my nature. But it turns upside down.
I didn't know I could feel this. Ang pakiramdam na nararamdaman din ng mga tao. I care, I scare and I'm falling. Hindi ko akalain na mararamdaman ko iyon sa kaniya...
Hinawi ko ang takas niyang buhok mula sa kaniyang mukha. Napangiti ako nang masilayan ko ang maamo niyang mukha.
"Out of thousand ways to find happiness, I choose to look at you." Sabi ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay. "I want to be honest with you, Bethany. I don't want to keep secrets. I want you to be comfortable when you're with me. I really want to feel you when you are around me." I plant a small kiss at the back of her palm. "Mukhang tama nga si Raziel. I'm completely in love with you."
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Ficción GeneralThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...