Chapter 25.
Inuna namin na ihatid si Shayne sa bahay nila bago man kami tuluyang umuwi.. Wasted si Shayne kaya hindi ko rin siya makausap ng maayos kahit na nasa bayahe kami. Hindi ko maitanong sa kaniya kung bakit nagpapakalasing siya. Siguro kapag may time na, saka ko nalang siya tatanungin sa bagay na iyon.
Sa ngayon, medyo naguguluhan pa rin ako kung nang nakilala ko ang nakakatandang kapatid ni Ramael-si Flavius. Ipinagtataka ko lang kung bakit kailangan niyang pumunta dito sa mundo ng mga mortal. Narinig ko rin mula sa kaniya ang tungkol sa cambion. Ano ba kasi talaga ang meron sa cambion na iyon at parang ang big deal sa kanila no'n?!
May iilang ideya na akong nalaman na cambion na iyon. Half human and half demon. Ano pa ba ang dapat kong malaman tungkol doon? Gumawa na din ako ng iilang research tungkol doon pero mukhang hindi pa iyon sapat para malaman ko talaga ang totoo
"Ramael..." Tawag ko sa kaniya nang nandito na kami sa kuwarto ko.
Tumigil siya at humarap sa akin. Seryoso pa rin ang kaniyang mukha. Mukhang hindi pa rin siya makaget-over nang maencounter namin ang kapatid niya.
"Ano ba talaga ang cambion? Naguguluhan na ako..." May halo nang frustration sa boses ko nang sabihin ko iyon.
Diretso siyang nakatingin sa akin. Ni hindi nagbabago ang ekrespresyon sa kaniyang mukha. "Cambions are half human and half demons..." Panimula niya. Maski ang kaniyang boses ay seryoso din. "And they will be the destroyer of Host of Heaven."
Kumunot ang noo ko. Ano daw? Destroyer of Host of Heaven? "W-what do you mean? H-hindi ko pa rin maitindihan. Anong Host of Heaven na sinasabi mo?"
"Host of Heaven. They are the army of angels. They are participated in the war in Heaven." Sagot niya sa pamamagitan ng kaniyang tinig. "Including the archangels which they are the generals and high rank angels."
Natigilan na ako. Hindi ko na alam kung pa ba ang masasabi ko. Bigla nalang ako nanghina sa mga narinig ko. Napaupo ako sa gilid ng kama. Bukod pa doon, bigla nalang ako nakaramdam ng kilabot sa sinabi ni Ramael.
Nilapitan niya ako. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Nagtama ang tingin namin. "Our child will be powerful, Bethany... He or she will kill the Host of Heaven with one word. Pero hindi ibig sabihin noon ay gagamitin ko ang anak natin para sa gusto nila." Bumakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Oo, iyon din ang purpose ko noon. In order to avoid Lucifer's disappointment. Pero ngayon, kaya gusto kong magkaanak sa iyo hindi dahil sa luma kong desiyon. Dahil gusto kong makita ang bunga ng pagmamahal ko sa iyo, Bethany..."
Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Mas bumibilis pa ang pintig ng aking puso hindi dahil sa kaba. Siguro dahil panatag ako dahil malaki ang tiwala kong hinding hindi ako pababayaan ni Ramael lalo na't narito na si Flavius sa paligid.
Pilit kong alisin sa isipan ko ang problema. Ayoko munang problemahin ang kapatid ni Ramael. Pilit naming ipagpatuloy ang buhay namin.
Isinama ako ni Ramael papunta ng Batangas. Ipinaalam niya ako kay tita Tilda at pumayag din ito agad. Walang alinlangan na talagang ipinagkakatiwala niya ako sa kaniya.
Sinabi sa akin ni Ramael kung anong klaseng kapatid si Flavius. Tuso daw ito. Kung anong gugustuhin nito ay masusunod. Hindi tulad sa kanila ng kapatid niyang si Lucille. Mas pumapabor ang tatay nilang si Lucifer kay Flavius. Ito ang mas pinapakinggan. Grabe, mas kinikilabutan pa ako sa mga kwento niya. Kaya kailangan ko talagang mag-ingat sa isang iyon. Hindi na talaga normal itong nangyayari sa akin. Lapitin na talaga ako ng mga ganito! Kailangan ko sumama kay Raziel sa pagdadasal sa oras na tumuntong na kami sa mansyon.
"Oh, biglaan ang dating ninyo." Salubong sa amin ni Raziel. May hawak pa niyang pala. Kaya pala niyang buhatin iyon? Hindi ba mabigat iyan?! Kung sabagay, lalaki naman siya.
"We have important and serious matter. Call Lucille. I'll wait in the Library." Seryosong pahayag sa kaniya ni Ramael.
Napakamot ng ulo si Raziel na may pagtataka sa kaniyang mukha. I just give him a small smile. Parang sinasabi ko na gawin nalang niya ang pinapagawa ni Ramael.
Wala pang isang oras ay dumating na si Lucille. She's wearing a white high waist pencil skirt, black coat with a notched collar, and black almond-toe pumps. Pang opisina talaga ang suot niya. Bagay na bagay pa sa kaniya. Mas lalo pa siya nagmumukhang elegante sa suot niya. Paniguradong marami din nabighani sa kagandahan niyang taglay.
"Pinatawag mo daw kami, kuya?" Takang tanong niya nang nakapasok siya sa Library ng mansyon.
Naupo sa wooden table si Ramael. Si Raziel naman ay nakasandal sa pader habang nakahalukipkip na seryoso din ang aura niya ngayon, nakakapanibago. Ako naman ay nakaupo sa itim na cleopatra sofa. Nasa kandungan ang mga kamay ko.
"We have to discuss something serious and important." His serious eyes darted at Lucille. "Flavius is here."
Kita ko na natigilan si Lucille sa ipinahayag ni Ramael. Bakas din sa mukha niya ang gulat. "H-how...?"
Tumalim ang tingin niya. "Narito siya para masiguro niya na cambion nga ang madadala ni Bethany sa sinapupunan niya." Sabi pa niya.
"What's your plan now, Ramael?" Seryosong tanong ni Raziel sa kaniya.
"For now, wala pa. Hihintayin ko ang susunod niyang hakbang." Ani Ramael. "Sisiguraduhin kong hindi niya madadala si Bethany sa Nine Hell."
"N-nine Hell?" Ulit ko pa, naguguluhan.
"The Nine Hells, or Maternal Plane. Iyon ang lugar kung saan ipapaampon ang anak ninyo. O sa Abyss, where it will be abused by the other demons. They will do everything they want in the cambions. They will make them bitter and twisted out. But cambion has powers and special abilities, they often become exceptional assassins..." Si Lucille ang nagpaliwanag. Naging seryoso na din siya.
"A-assassin?!" Hindi ko mapgilang ibubulas iyon.
"Yeah, gagamitin nila ang anak ninyo para mapatay ang iilang Host of Heaven." Dagdag pa ni Raziel.
Pumikit ako ng mariin. Hindi ko na yata kakayanin ang mga nalaman ko.
Nagpasya muna akong magpahangin sa balkonahe ng mansyon. May part na gusto kong umatras. Ano bang dapat kong gawin para hindi tuluyang makuha ang magiging anak ko kay Ramael kung nagkataon? Gagawin pala nilang masama ang anak ko. Hindi ako makakapayag. Hindi pwede.
Ramdam ko ang braso sa aking bewang. Alam ko kung sino ang nagmamay-ari nito. Tumingin ako sa gilid ko. Tama ako, si Ramael.
"I'm sorry, baby..." Malumanay niyang sambit. "Kung napapaisip ka na ng malalim dahil dito..."
Pumikit ako ng marahan. "Natatakot ako sa maaaring mangyari sa anak ko, Ram...."
"I'll do everything just to protect you and our future child, Bethany." Anas niya sa aking tainga. Masuyo siyang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Humarap ako sa kaniya. Napaawang ang bibig ko nang biglang tinukod ni Ramael ang isang tuhod niya sa sahig. May inilabas siyang maliit na kahon mula sa loob ng kaniyang coat. Binuksan niya iyon at ipinakita niya sa akin ang nilalaman n'on. Infinity ring!? "My life didn't begin with you, Bethany. But I wish it ends with you. Please marry me, please be my wife, Elizabethany Arles."
Parang pinipiga ang puso ko sa huling sinabi niya. Lihim ko kinagat ko ang aking labi . Tila may sariling pag-iisip ang aking kamay. Umangat iyon. Ngumiti ako at tumango. "Yes, Ramael... I will marry you..." Kusang lumabas sa bibig ko ang mga salita na iyon.
Mabilis isinuot ni Ramael ang singsing sa aking daliri. Tumayo siya't sinunggaban niya ako ng mahigpit ng yakap. "You don't know how much I'm happy, Bethany." His voice almost cracked. "Tomorrow is our wedding, Bethany. Everything has been settled. So please be prepared. Your aunt and your friends are imvited."
Bahagya kong inilayo ang aking katawan sa kaniya. "Ramael... Hindi ba, bawal kayo sa pari?"
Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. "As what I've said, everything is ready. No holistic stuff involved here." Then he plant a kiss on my forehead. "I love you, Bethany..."
I chuckled. "I love you too."
▶▶
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
General FictionThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...