Bago man kami tumulak ni Mr. Black or should I call him Ramael (ayaw daw niya ng formality. Tss.) sa Hotel ay tinawagan ko si tita Tilda dahil hindi natuloy ang uwi ko dapat kahapon. Naitindihan naman niya. Wala daw problema. Alam daw niya na masyado daw ako subsob sa trabaho at mga goals sa buhay.
Hindi ko lang din inaasahan na normal na pagkain na kinakain ni Ramael. Seryoso, para talaga siyang tao sa inaakto niya. Ang problema lang sa akin ay ang bahay niya-parang pinabayaan talaga. Tumitindig ang balahibo ko sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang eksenang iyon. Sabay kaming pumunta ng hotel and resort. Medyo nagulat lang din ako dahil pinagbuksan niya ako ng pinto. Wow, may genlteman din sa katawan ang isang iyon.
Sumusunod lang ako sa kaniya habang papasok na kami sa lobby. Binabati siya ng mga empleyado dito pero ni isang beses, hindi man lang siya bumati pabalik! Demonyo nga talaga!
Napapansin ko lang din na halos himatayin ang mga babaeng empleyado sa presensya nitong kasama ko. What the eff, guwapong guwapo na sila sa isang ito?!
Hanggang sa marating namin ang opisina niya. Sumabay sa pagpasok ang sekretarya niya na may dalang tablet, sasabihin siguro ang schedule ng mga meeting or appointments ni Ramael ngayong araw.
"Mr. Black, you have three meetings straight for to--"
"Cancel it." Malamig na sagot ni Ramael sa kaniya.
Napaawang ang bibig ko sa sinagot niya. What? Ikakansel daw?
"You heard me, Megan. Cancel all my appointments for today. My plans changed." Malamig niyang binalingan ang sekretarya niya. "You may now leave."
"Y-yes, sir." Parang nataranta naman siya habang papaalis na siya dito sa opisina.
"And you, the mother of my child." Sa akin naman siya tumingin.
"H-ha?" Parang nabingi naman ako sa sinabi niya! What the--
"Your work starting today, right?"
Aligaga kong hinawakan ang bag kung nasaan ang DSLR ko. "Oo, saan ba ako kukuha-"
"I'll go with you."
"Kahit huwag na..."
"Kinansel ko lahat ng appointment ko para samahan kita, may lakas ka ng loob tumanggi?" Naniningkit ang mga mata niyang sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano?!" Hindi ko mapgilang mabulalas iyon.
He shrugged. "As what I've said last night, since you we're the mother of my future child, I need to stay close with you."
"Hindi pa naman ako buntis!"
Natigilan ako sa sinabi ko. What the fuck?! Saan ko naman nakuha ang mga iyon?! Napatingin ako sa kaniya. Kita ko na unti-unti sumisilay ang isang gilid ng kaniyang labi hanggang sa tuluyan na itong ngumisi. Sa inaakto niya ngayon parang nasiyahan pa siya sa narinig!
"So, I need to impregnate you first, hm?" Nang-aakit niyang sambit kasabay na paghakbang niya palapit sa akin. Humakbang ako pero pader na ang nasa likod ko! Agad ako kinulong mga braso niya sa magkabilang gilid ko kaya wala na akong kawala! "I just feel like biting your lips and moan for me, Bethany..."
"A-ang landi mong d-demonyo ka..." Hindi ko mapigilang sabihin iyon.
Tumaas ang isang kilay niya na para bang namangha. "W-what...?"
"Malandi ka, sabi ko." Ulit ko pa.
Yumuko siya. Kita ko ang pagkagat niya ng labi na parang pinipigilan niyang matawa. Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. "Seriously, you called me malandi?" Wait, natawa ba siya? Tumatawa ba ng ganoon ang demonyo!?
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Ficción GeneralThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...