Chapter 21.
Abala ako sa pagkukuha ng litrato ng dalawang models na nasa harap ko ngayon. Panay sigaw ko din sa kanila para makuha ko ang pinakabest na pose at portrait. Mabuti naman at sumusunod sa akin ang models sa mga instructions ko. Narito kami sa isa sa mga white beach resort sa Camiguin. Masasabi ko lang ay napakaperfect ng lugar na ito para sa shoot. Natural ang ganda nito, hindi na kailangan ng digital background o edit pa.
"Okay, take a break!" Sigaw ko sa kanila.
Sumunod naman ang iilang staff. Agad nilang nilapitan ang mga model para bigyan ng robe at tubig pati na din ng retouch. Napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Ramael. Prenteng nakaupo sa sun lounge, nakatingin ng diretso sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. Para bang nasisiyahan siya sa nakikita niya. Sinuklian ko din siya ng ngiti, humakbang ako palapit sa kaniya.
"Nabobored ka ba?" Tanong ko sa kaniya saka umupo ako sa kaniyang tabi.
"Nope, kung ikaw lang din naman ang pinapanood ko." Malumanay niyang tugon. Kinuha niya ang bote ng mineral water sa kaniyang tabi. Binuksan niya iyon at inabot sa akin. "Here, I know you're thirsty."
Mas lalo lumapad ang ngiti sa aking mga labi. Tinanggap ko ang tubig. "Thank you." Ininom ko iyon.
"Ganoon pala ang trabaho mo. Mahirap." Aniya.
Tumingin ako sa kaniya pagkatapos kong uminom. "Sanay na din naman ako. Kaya wala nang kaso sa akin iyon." Sagot ko.
Ngumuso siya habang nakatingin sa akin. "After work, you need to take some rest. Naasikaso ko na din ang accommodation natin sa Hotel sa resort na ito. You need to gain some energy." Sabi niya na may mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi.
"Eh di balewala rin ang magpapahinga ko kung papagurin mo lang din naman ako." Wika ko at tumawa.
"I can wait until we come back in Manila." He said.
Naiwan sa Batangas sina Raziel at Lucille. Si Lucille na daw muna ang bahalang mamahala ng Hacienda Virginia habang si Raziel ay nasa mansyon pa rin. Gusto pa nga sana sumama ni Raziel pero ayaw ni Ramael. Malaking istorbo daw kaya wala na din magawa ang pobre. Haha.
Nakilala na din ng mga kaibigan ko si Ramael. Noong una ay hindi sila makapaniwala na may boyfriend na ako. Lalo na guwapong guwapo sila sa kasama kong ito, maliban nga lang kay Jasmine, bato ang puso n'on, eh. Napakisamahan ni Ramael ang mga kaibigan ko kahit na maiingay ang mga iyon lalo na si Shayne. And of course, I don't tell about his secret. Lalo na ang pagkamatay ni William. Masyado na siyang sensitibo.
Napakilala ko na din siya kay tita Hilda. Tulad ng reaksyon ng mga kaibigan ko, unang napuna ni tita ang kaguwapuhang taglay ni Ramael. Hindi maiwasan ang pagiging usisera ng tiyahin ko kaya panay interview niya kay Ramael, hindi ko malaman kung kinikilatis niya ba o ano. Buti din ay hindi nairita si Ramael sa inasal nito. But I know, he's trying his best para hindi niya ipakita sa mga taong nasa paligid ko ang bad side niya.
"Habang pinapanood kitang magtrabaho, napapaisip ako kung papatigilin ba kita o hindi." Biglang sabi niya.
Napatingin ako sa kaniya, nagtataka.
"Kailangan mo talagang magbilad sa araw. Pinagpapawisan ka na habang kumukha ng mga litrato sa mga models mo." Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Kapag nabuntis na kita, bawal ka nang magtrabaho. Alagaan mo nalang ang anak natin."
Napaawang ang bibig ko. Hindi makapaniwala. I can't imagine na maririnig ko ang mga bagay na ito sa isang Ramael Black! Parang hindi siya demonyo, eh. Parang tao na kung kumilos at magsalita! Lalo na kung mag-isip!
"I was head over heels with you, baby. That's why." Nakangiting sabi niya.
I gasped. Oo nga pala, nababasa pa rin niya ang iniisip ko! Kaloka! Nakalimutan ko pa! Jusme!
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Narrativa generaleThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...