Malaking palaisipan pa rin sa akin ang nakita ko kagabi. Ang PE teacher na nakita ko kagabi sa tapat ng bahay namin. Kung anong hitsura niya... Medyo nakakatakot. Iba ang pakiramdam ko sa kaniya. May parte sa isipan ko na sinasabi na layuan ko iyon pero may parte din na parang hinahatak ako palapit sa kaniya. Nalilito na ako.
Hanggang't maaga pa, kailangan ko siyang iwasan.
Nanatili lang akong nakaupo dito sa may bleachers habang pinapanood ko lang ang mga lalaking kaklase ko naglalaro ng basketball habang ang mga kaklase kong babae naman ay naglalaro ng volleyball. Nagpalusot akong masama ang pakiramdam ko kaya pinayagan naman ako na magpahinga muna dito.
Bumaling ako sa kinaroonan ang PE teacher namin. Nakatayo habang nakahalukipkip, ang pito ay nasa kaniyang bibig. Parang siya referee ng basketball.
Napabuntong-hininga ako. Napagawi naman ang tingin ko sa kinaroonan ng mga kaibigan ko. Abala sila sa paglalaro sa kabilang side ng Gym na ito. Si Shayne ngayon ang magseserve ng bola, mid-blocker naman si Carmz habang si Jasmine ang ampayr ng laro.
"Are you okay?"
Halos mapatalon ako dahil sa gulat. Tiningan ko kung sino iyon. Ang PE teacher namin! Namilog ang mga mata ko dahil narito siya ngayon sa tabi ko. Papaano siya nakarating dito eh ang laro ng pwesto niya kanina!
He smirked. "Masyado ba kitang ginulat?" He asked.
Napalunok ako. Pilit akong tumango. "A-ayos lang po..."
"I heard you're not feeling well. Have you been in the Infirmary?" He asked again.
"H-hindi pa po..." Saka bumaling nalang ako sa ibang direksyon, para maibsan ang takot buhat kanina.
"Pagkatapos ng klase, kailangan mong ipatingin sa nurse ang sama ng pakiramdam mo." Sabi pa niya. "Ayokong may mangyaring masama sa iyo."
Doon ulit ako napatingin sa kaniya. Bakit napaconcern niya? Hindi ko naman siya adviser o ano. Kilala ko lang siya dahil teacher ko siya at wala anng iba. Wala nang hihigit pa doon.
**
Tapos na ang PE class. Ang akala ko pa man din ay makakalayo na ako sa kaniya ng tuluyan ngunit nagkamali pa ako. Naiwan ko ng wala sa oras ang mga kaibigan ko sa Gym. Kinaladkad niya ako papuntang Infimary. May nurse doon. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya pagdating namin. Siguro ay crush niya ang PE teacher na ito.
"She's not feeling well. Pakitingnan." Mariing utos niya sa nurse.
Wari'y nataranta naman ang nurse sa sinabi niya. Agad ako nilapitan ng nurse. "Anong nararamdaman mo ngayon?" Marahan niyang tanong sa akin.
Bago man ako sumagot ay tumingin ako sa PE teacher, seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa nurse. "M-masakit ang ulo ko po..." Pagsisinungaling ko.
"Higa ka muna doon." Nakangiting sabi ng nurse sa akin sabay turo niya sa isa sa mga nakahilerang higaan dito sa may Infirmary. Inaalalayan niya akong makarating doon. "Pagkukuha lang kita ng gamot. Pahinga ka muna d'yan."
Hindi na ako makasagot. Tuluyang umalis na nurse saka hinawi niya ang kulay berdeng kurtina na pumapalibot dito sa higaan na ito.
"Ako na ang magbibigay." Rinig kong sabi ng PE teacher.
"Okay po, sir. Lalabas lang ako, ibibigay ko lang itong medical report..." Sabi naman ng nurse hanggang sa rinig ko ang pagbukas ng pinto.
Nahawi ulit ang kurtina na siya ang pagpasok ng PE teacher namin. Napabangon ako para tanggapin ang gamot na ibibigay niya sa akin. Binigay niya iyon sa akin pati ang baso ng tubig. Ininom ko ang gamot at ang tubig. Pinatong ko sa mesa ang baso.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Ficción GeneralThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...