Chapter 28.
Dapit-hapon na ay pababa ako ng grand staircase nang madatnan ko ang mga butler at maid na may mga dala nang maleta. Including the oldest butler. Kinakausap sila ni Raziel at inaabot nito ang tig-iisang sobre sa kanila. Kumunot ang noo ko na may pagtataka kung anong nangyayari. Kung bakit aalis ang mga iyon.
Mukhang naramdaman ni Raziel ang aking presensya kaya tumingin siya sa aking gawi. Napatigil ako sa pagbaba ngunit nanatili pa rin akong nakahawak sa railings. Mas lalo ako nababahala kung bakit seryoso ang mukha niya, maski ang aura niya ngayon.
Binawi niya ang kaniyang tingin mula sa kaniya at bumaling siya sa mga taong kausap niya. "Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Huling habilin niya sa mga iyon.
"Maraming salamat po, Sir Raziel."
Tango lang ang tanging naisagot nito sa kanila. Nang tuluyan nang makaalis ang mga iyon at isinara na ni Raziel ang malaking pinto. Agad ko siyang dinaluhan para kausapin. "Raziel," Tawag ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin.
"A-anong nangyayari? B-bakit bigla ang alis nila?" Hindi ko mapigilang itanong iyon.
Isang maliit na ngiti ang kaniyang iginawad sa akin. "Dahil kailangan, Beth." Sagot niya. "Lilipat na tayo ng lugar. Ngayon din. Kaya mag-impake ka na. Ihahanda ko na ang masasakyan natin."
"Bethany,"
Napalingon ako nang tinawag ako ni Ramael. Seryoso ang kaniyang mukha nang lapitan niya ako. Bigla ako ginapangan ng kaba at takot. "R-Ramael..."
"You need to leave with Raziel. Magpapaiwan kami ni Lucille dito. Susunod nalang kami kapag maayos na ang lahat." Sabi niya. "Hindi natin alam kung anong susunod na hakbang na gagawin ni Flavius, mas maigi kung maging handa tayo."
Napaamang ako. P-pupunta ang nakakatanda niyang kapatid dito? Dahil ba nalaman na niya na nagdadalang-tao na ako? Na nasa sinapupunan ko na ang tinutukoy nilang cambion? Bigla kong naalala ang mga binanggit ni Lucille sa akin tungkol sa mangyayari sa mga cambion.
Napasapo ako sa aking puson. Tiningnan ko si Ramael na may pag-aalala sa aking mukha. "Ang cambion pa rin ba ang habol niya?"
"Unfortunately, yes."
Napalunok ako dahil sa kaba. Ibinaling ko kay Raziel ang aking tingin. Tumango siya sa akin. Parang sinasabi niya na kailangan nga namin gawin iyon. Ibinalik ko ang tingin ko kay Ramael. Dahan-dahan akong tumango bilang pagsang-ayon. Naglakad ako pabalik sa kuwarto ni Ramael para ihanda ang mga gamit ko sa oras na pag-alis namin ni Raziel.
Eksaktong alas syete ng gabi.
"Kailangan sa malayong lugar mong dalhin si Bethany." Turo ni Ramael kay Raziel. "Be sure na hindi kayo natutunton ni Flavius. You can use your power just in case."
"Alright." Sagot sa kaniya ni Raziel.
Bago man kami tuluyang umalis ni Raziel, nilapitan ko si Ramael. Marahan kong idinapo ang aking palad sa kaniyang pisngi para maramdaman siya. Parang kumirot ang puso ko. Sa unang pagkakataon ay iiwan ko siya sa ganitong estado. "Be safe, Ram. Please..." I said, my voice almost broke.
Pumikit si Ramael. Hinawakan niya ang aking kamay na nakadapo sa kaniyang pisngi. "I will, baby. I will." Saka hinalikan niya ang likod ng aking palad. "Everything's gonna be alright. Trust me."
Parang may tumusok na kung ano sa parte ng aking puso nang sabihin niya iyon. Ginawaran ko siya ng isang hilaw na ngiti. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Hihintayin ka namin ng anak mo. Mahal na mahal kita, Ramael."
Ramdam ko ang pagtango niya. "Mahal na mahal din kita... Mahal na mahal ko kayo ng anak natin, Bethany." Namamaos niyang sabi. Dahan-dahan siyang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa aking noo. "Go." Utos niya.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Fiction généraleThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...