CLOSE, SURE!

29.6K 70 0
                                    

Position 1

Nakaupo na naman ako sa pasilyo. Inaabangan ko ang pagpatak ng alas-singko sa orasan. Ibang araw ito, ang nararamdaman ko. Hindi ko alam basta ibang araw ito. Pasulyap-sulyap sa relo ko, at sa orasan sa may pader.

Tumunog ang bell. Nakita ko na naman siya. Buo na naman ang araw ko. Isang anghel sa lipon ng mga mortal.

"Kamusta? Hatid na kita?" Dating gawi. Ang sarap kasi sumabay sa kanya.

"Pasensya ka na. May maghahatid na kasi sa akin." Gumuho ang mundo ko. Ngayon ko lang narinig ito.

Lumabas si Sir. Kinamusta ako. Tapos mauuna na raw sila. Sabay kinuha siya. Habang papalayo, tanaw ko ang kamay ng demonyong naglalaro't hinihimas ang likuran ng anghel ko.

Bakit kasi hindi na lang siya lumipad papalayo?

Nakaupo na naman ako sa pasilyo. Sabi ko na iba ang araw na ito.

Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon