PAULIT-ULIT

1.1K 5 0
                                    

Position 66

Ito na naman. Panibagong araw pero wala namang bago. Mag-isa na naman ako. Aayusin ko ang kama, maghihilamos, sepilyo, tapos kakain na ng almusal.

Pag sinipag, aayusin at lilinisin ang bahay. Magsisimula sa sala, tapos titingnan kung may hugasin sa kusina. Pag tinamad, hihilata na lang ulit. Manonood ng tv o gagawa ng mga tula. Pwede rin ako matulog na lang ulit.

Tanghali. Kakain ulit. Magluluto ako o bibili sa karinderya. Tapos tulog ulit pagkatapos. Pagdating ng hapon, unting exercise routine tapos tambay ulit sa tv o phone. Dinner. Tapos tulog ulit. Paulit-ulit. Walang bago.

"Sir, there are no significant changes in our subject. We need further experiments.", sabi ng lalaking nakasuot ng puting labcoat.

Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon