Position 14
Nagtataka pa si Gilbert noong una niyang makita ang sarili niya. Pilit niya inaalis ang nagpapahirap sa kanya pero huli na ang lahat. Nasasaktan man siya ay hindi niya na ito nadarama.
Huli na ang lahat. Wala na siyang magagawa kundi panoorin ang sarili niya. Ni hindi na niyang kayang hawakan ang sarili niya. Wala na siyang magawa.
Pero bakit ganoon? Nalulungkot pa rin siya. Hindi pa rin niya maalis ang sobrang lungkot na tanging rason para humantong siya rito. Ni hindi niya pa rin kayang ngumiti. Sana hindi niya na lang ginawa ito.
Pilit niya inaalis ang lubid sa leeg ng katawan niyang hindi na humihinga pero hindi niya magawa.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)