Position 2
May gusto ako sa kanya. Row 4, pangatlong upuan. Tuwang-tuwa siya sa pagguhit ng mga linya. Sketch. Abstract. Natutuwa na rin ako pagmasdan siya tuwing ginagawa niya yun.
Ang buhok, mapupulang labi, ang buong mukha niya. Maganda ang pagkakahubog ng kanyang mga linya. Tuwing nakikita ko siya para bang may init sa loob ng katawan ko.
Hindi ko nga lang sinasadyang nailabas ang init na ito. Hindi sadya.
Isang araw, lumapit siya sa akin. Sinampal ako. Tapos may inihagis sa aking bagay. Lumayo na siya papalayo, walang sinabi. Narinig ko lang na humihikbi siya.
Pinulot ko yung bagay. Ngayon lang ako nakahawak nito. Alam ko na kung bakit siya umiiyak. May dalawang linya sa bagay na iyon.
Dalawang linya. Doon ko nalaman na hindi lahat ng linya ay gusto niya.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Historia Corta69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)