Position 65
Huwebes. Pupunta na naman ako sa sinehan. Ito ang lagi kong ginagawa. Treat ko ito lagi sa sarili ko. Nanonood ako lagi ng pelikula tuwing Huwebes.
Bagong palabas. Action. Superhero ang genre. Ganito ang paborito kong klase ng mga pelikula. Bakit ang unti ng tao ngayon? Di bale na, umupo na ako sa harapan. 2nd row.
Ang malas naman, may humihithit ng sigarilyo. 'Diba bawal sa sinehan yan? Lumipat na lang ako sa 5th row pero anak naman ng tinapa! May naghihithitang mag-syota! Sarap na sarap pa sila!
Nababanas na talaga ako. Pero lumipat na ako sa likod. 14th row. Ang unti nga ng mga tao, pero marami namang ginagawang kababalaghan.
At meron na naman sa harapan ko. Isang binatilyong humithit ng ipinagbabawal na gamot. Lilipat na lang ako, baka masinghot ko pa.
Ayan, wala na talagang tao rito. Last row. Mataas na parte ng sinehan. Ma-eenjoy ko na ang pelikula na walang makikitang taong may hinihithit.
Sa kalagitnaan ng pelikula, may tumabi sa aking babae. Hindi ko kilala pero maganda siya. Tapos may binulong sa akin. Ang laki ng ngiti ko. Binigyan ko siya ng limandaan. Hinila niya pababa ang zipper ko. Binaba niya na rin ang pantalon at boxer ko.
Hinithit niya yung ano ko.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)