Position 39
Lagi ko siyang ka-chat. Sa messenger. Basta kahit anong topic. Kumpleto na araw ko basta makausap ko lang siya.
Si Chloe R. Santiago. Kaklase ko. Hindi ko siya masyadong nakakausap sa classroom kasi torpe ako pero para kaming "close friends" pag sa chat. Nickname niya nga sa messenger ko ay "Princess Matakaw" tapos ako si "Prince Gago". Nakakatawa. Pero kinikilig ako.
Hindi ko alam pero ang dami talaga naming pinag-uusapan. Random. Fandom. Kahit condom napag-usapan na rin namin. Walang hiyaan. Pero ibang-iba sa personal. Walang pansinan.
Pero hindi ko na kaya magtago sa bawat "hahahaha". Kailangan ko na magtapat sa kanya tungkol sa nararamdaman ko.
4:05 p. m. Active Now siya. Nagsend ako ng message sa kanya.
"Uyyy, may sasabihin ako pero masyadong seryoso."
"Cgecge go lng hahahahaha"
"Crush kita. Matagal na. Pwede ba ako manligaw? "
Seen.
11:34 p. m. Sumagot rin siya.
"About kanina sa sinabi mo. Sorry talaga pero friends lang naiisip ko sayo eh. Wag ka na lang magsayang ng effort, wala talagang mangyayari. Sana friends pa rin tayo. Sorry po talaga."
You can't reply to this conversation
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)