Position 41
Isang libro. Ang libro na magsasabi ng mga sikreto ng kalawakan. Mga kaalamang hindi pa natutuklasan. Mga lugar na hindi pa napupuntahan. Ito ay nakasulat sa harap ng libro. Makalumang font.
Isang libro. Nahulog kung saan man. Lahat ng nakasulat ay pawang katotohanan. Imumulat ka sa mga kasinungalingan. Mga impormasyong hindi mapapalitan.
Isang libro. Na hindi alam kung sino ang nagsulat. Pero gusto ko basahin. Kahit natatakot ako. Binuklat ang libro. Tapos sinara ko agad. Sinunog ko agad. Kasi unang linya pa lang sa unang pahina, hindi ko na kinaya:
"w4L4nG p0r3b3r"
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)