PRIVATE JEFFERSON REYES: ANG HULING MISYON

885 9 1
                                    

Position 25

Ako si Private Jefferson Reyes. Mahirap ang trabaho ko. Mahirap maging sundalo.

Buhay ang kapalit sa bawat misyon ko. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako sa bawat pagtapak ko sa kampo ng mga kalaban. Hindi ko alam kung sapat pa ba ang mga bala ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa.

Iniisip ko na lang yung mga taong nakapaligid sa akin. Yung mga taong mahal ko na umaasa sa akin. Pati na ang minamahal kong bayan. Sundalo ako para sa kanila.

Kaya sa pinakadelikado kong misyon, hinanda ko na ang sarili ko. Alam kong ito ang pinakamahirap naming laban. Pero kailangan. Nagtago kami. Sa mga nakatambak na sako ng bigas at mga malalaking kahon. Mga putok ng baril, dagundong ng mga granada, at mga kakampi kong namatay na. Ako na lang ang natitira. Kaya hanggang sa huling bala, lalaban ako. Pero natalo kami.

Do you want to continue from the last checkpoint? Press X.

Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon