Position 63
Pinapanood ulit namin ang paborito niyang tv series. Romance. Iyon naman ang mga tipo niyang panoorin kaya sinakyan ko na lang. Sweet. Sabi niya.Season finale na ngayong gabi. Huling episode. Umiinom pa kami ng wine habang kumakain ng siya ng pizza na pinadeliver pa niya habang ako naman ay kuntento na sa spaghetti. Nakaupo kami sa sofa kaharap sa flat-screen tv.
Romantic ang scene. Pinagtapat ng babae na mahal niya pa rin yung lalaki niyang kausap. Siya lang naman talaga ang minahal niya.
Tapos bigla akong kinalabit ng girlfriend ko. Parang ginaya niya yung scene. Tiningnan niya ako sa mata. Tapos sinabi niya na ako lang raw ang mahal niya. Hinawakan niya ang kamay ko.
Malakas kong itinarak ang tinidor sa kamay niya. Nagdugo. Tapos sinipa ko siya sa mukha. Lumapit ako sa kanya at pwersado kong inikot ang ulo niya. Tumunog ang buto niya sa leeg.
Wala na siyang buhay. Kinuha ko ang phone niya tapos binasa ko ulit yung text messages nila ng third-party niya. Umiyak at nagalit ulit ako. Ipinasok ko sa bibig niya yung phone niya.
Ang sad ng ending nung series.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)