Position 37
"Anong lugar 'to? Nasaan ako? ", tanong ko sa sarili ko pero sa isip ko lang. Hindi ko mabuka ang mga bibig ko.
Parang nasa dagat ako. Pero iba rito. Madilim. Nakakatakot. Nilibot ko ang tingin ko.
Ang dami kong nakikitang mga dikya. Iba-iba ang kulay. Pero may mata sila. Nakakatakot ang tingin nila. Pero bakit nila ako tinatawag?
"Marco! Marco! Marco! "
Lumalapit sila sa akin. Palibot sa akin. Lalo akong natakot.
"Marco! Marco! Marco! Marco! Marco! Marco! Marco! Marco! "
Kinuha ko agad yung baril ko sa bag ko. Hindi ko alam na magagamit ko pala ito. Binaril ko sila. Walang direksiyon. Basta makapatay ako ng isa o dalawa, ayos na. Apat ang tinamaan. Tumumba sila. Panatag ang loob ko dahil lumangoy na ang iba papalayo.
Pero mas nakakatakot. Lumapit ang isang asul na dikya. Mas malaki sa iba. May hawak pang espada. Salamat at may bala pa ang aking baril. Hinila ko ang gatilyo.
Newsflash!
Isang estudyanteng pinaghihinalaang lulong sa droga ang nakapatay ng limang tao kabilang na ang apat niyang kaklase at ang kanilang guro. Iniimbestigahan pa ang buong pangyayari.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)