POSITION 69
Sir,
Ito ang ipapasa kong project sa subject niyo. Ang librong sinulat ko na pinamagatan kong "Makinilya 69: Kamasutra ng Mga Dagli". Ito na ang huling dagling isusulat ko. Position 69.
Sinulat ko ang librong ito para ipakita sa mundo na lahat ng tao ay hindi perpekto. Lahat may mali. May mga kulang, may mga sobra.
Lahat tayo may demonyong itinatago sa mga katawan nating mortal. Lahat tayo nakipaglaro sa apoy ng tukso at kasalanan. Mga hayop tayo na hindi nakukuntento. Sabik tayo sa mga karneng ibinibigay nitong walang kwentang gubat.
Walang kwenta. Pero dati meron. Kung hindi lang tayo nagpabaya. Kung hindi lang tayo nagloko. Kung hindi lang natin niyakap ang pagiging makasarili.
Kaya kung nabasa mo man ito, sana may natutunan ka. Sana may natutunan kayo. Hindi ko ito sinulat para muling isulat. Gusto kong baguhin ang mga kababuyan ng librong ito. May mga istoryang malungkot pero mas nangingibabaw ang kasakiman at kasamaan. Gusto kong baguhin natin iyon.
Sana pakinggan niyo ako, Sir. Sana kahit dito, makinig kayo. Magbago ka na, Sir. Magbago ka na, kuya.
Respectfully yours,
KRMP
(Kapatid mo, kung kilala mo pa ako.)P. S. Syota ko yung binaboy mo. Yung anghel ko. Si Angel. Ginago mo para makapagtapos lang siya.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Storie brevi69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)