Position 13
Ngayon ko lang nakita ang button no. 13 sa elevator. May floor no. 13 pala sa building na ito? Sa sobrang curious ko, pinindot ko. Wala namang mawawala kung pupuntahan ko yun.
Pagbukas ng mga pinto ng elevator, tumambad sa akin ang maaliwalas na palapag. Tapos may kung anumang karatulang nakasabit sa pader na nakasulat na "Maunlad ang Pilipinas". May kakaiba sa mga tao rito. May disiplina sila. Parang isang utopia.
Nagising ako. Naidlip lang pala ako sa loob ng elevator. Tiningnan ko ulit ang mga pindutan. Wala na ang 13. Tinanong ko ang kasama ko sa loob kung may Floor No. 13 ba talaga.
"Sir, malabo pong magkaroon ng Floor No. 13."
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)