SA PABORITO NAMING KARINDERYA

589 6 0
                                    

Position 54

Aling Emma's Eatery. Ikatlong bahay. Ilang-Ilang Street. Dito kami madalas kumain ni Khyra. Masarap talaga ang luto ni Aling Emma.

At matakaw si Khyra. Tinola. Menudo. Sinigang. Afritada. Nilaga. Inubos niya na ata ang lahat ng menu sa kainang ito. At halos maubos na rin ang pera ko. Pero okay lang. Atleast nakikita ko siyang masaya.

5 months na pala kami ni Khyra. Sa kainang ito, dito niya ako sinagot habang lumalamon ng porkchop. Nakakatawa. Pero kinilig ako.

At ngayong monthsary namin, dito ko siya ulit dadalhin. Kinausap ko si Aling Emma. Sinigurado kong kami lang muna ang kakain dito. Inorder ko lahat ng niluto ni Aling Emma.

Pero biglang nagtext si Khyra. Di na raw siya pupunta. May inasikaso lang. Kumain na lang ako mag-isa at binayaran ko na lahat ng pagkain. Umuwi na ako.

Hanggang napadaan ako sa isang mamahaling restaurant. Nakita ko si Khyra. Buo na ang araw ko.

Nakita ko siyang masayang kumakain kasama ang "totoo" niyang boyfriend.

Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon