Position 58
Nandidiri talaga ako sa mga ipis. Kaya siguro nakuha ko ang ganitong ugali ko na pumatay ng mga ipis sakaling makakita man ako.
Marami na akong napatay. Iba-iba ang paraan ko kung paano ko sila napatay. Merong pinutol ko ang ulo. Merong nilason ko. Merong binaril ko. Oo, binaril ko.
Meron rin akong pinatay tapos inihian ko. Meron rin akong pinatay tapos nag-drawing ako sa bangkay niya. At ang pinakamatindi ay iyong pinatay ko tapos dinurog ko. Tinapak-tapakan ko. Hinampas ko ng bato.
Ngayon, nakakulong na ako. Masama bang pumatay ng ipis?
Nga pala. Ipis ang tawag ko sa mga taong ayaw ko sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Historia Corta69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)