Position 55
Mr. Grant Agustin. CEO ng High Peaks Mineral Water. Siya ang number 3 sa pinakamayaman na mga entrepreneurs sa bansa. Siguro dahil swerte rin siya sa bottled water business niya.
Pero ganun talaga. Pag mayaman ang isang tao, bigla siyang nagbabago. Alam ng mga tao na galing siya noon sa isang mahirap na pamilya. Mapagkumbaba. Pero ngayon nag-iba.
May minsang pumasok na pulubi sa building ng kumpanya niya. Pinatawag si Mr. Grant ng security guard dahil nangungulit talaga ang pulubi. Yun pala ay nanghihingi ng isnag bote ng tubig. Pero imbes na bigyan, tinaboy siya ni Mr. Grant."Nanghingi lang naman ako ng tubig. Bakit hindi mo ako binigyan? " Kung ganoon, hintayin mo lang at mas bibiyayaan ka pa ng tubig. ", sabi ng pulubi.
Tatlong araw pagkatapos nun. Laman na ng balita si Mr. Grant. Pero nakalulungkot na balita.
Siya lang ang tanging nalunod nang lumubog ang barkong sinasakyan nila sa isang exclusive trip.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)