Position 19
Pinanganak akong dalawa ang binti. May kanan. May kaliwa. Pero sumpa ito. Lahat ng tao sa mundong ito ay isa lang ang binti. Kanan o kaliwa. Basta isa lang. Hindi dalawa.
Lagi akong pinagtatawanan. "HAHAHAHA!! DALAWA ANG BINTI! " Matagal kong tiniis ang ganitong uri ng panlalait.
Hanggang sa dumating ang pampito kong kaarawan. Hiniling ko sa daddy ko ang isang surgical amputation. Ipapaputol ko ang isa kong binti.
Kanan o kaliwa? Hindi ko alam. Basta ipapaputol ko ang isa.
Surgical room. Sinuri muna ang mga binti ko. Mabilis na examination lang. Nagtaka ako kung bakit nagligpit na ng mga gamit ang surgeon. Kinausap kami ni daddy. Sabi raw ng surgeon ay hindi raw pwedeng putulin ang binti ko dahil maaari akong mamatay. Lumuha na lang ako at tumakbo. Tumakbo gamit ang dalawa kong binti.
Dumeretso ako sa bahay. Kumuha ako ng lagari.
Kanan o kaliwa? Hindi ko alam. Basta puputulin ko ang isa.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)