TEXT MESSAGE MULA SA 6914

847 19 0
                                    

Position 26

Si Finn ay isang suicidal na teenager. Iniisip niya na wala na siyang kuwenta sa mundo. Hindi niya kayang magpasaya ng mga tao. Gusto niya na lang mawala.

Isang araw, sa phone niya, isang random text message ang nakita niya. 6914 ang number ng sender. Binasa niya:

"Gud mrning. hanapin mo at bigay mo shoes ng papa mo. asap. "

Akala niya prank lang. Pero sinunod niya pa rin. Hinanap niya at binigay sa papa niya ang black leather shoes nito. Natuwa ang papa niya dahil kanina niya pa ito hinahanap. Niyakap siya nito. Doon niya lang naramdaman na mahal pa rin siya ng papa niya.

Isa na namang text message ang nareceive niya:

"uyyy, yung ate mo, kailangan niya yung headphones na pinahiram niya sayo. "

Naalala ni Finn yung hiniram niyang headphones. Binigay niya ito sa ate niya at tulad ng papa niya, niyakap siya nito.

"Paano mo nalaman na kailangan ko ito? " Hindi na lang niya sinagot ang tanong ng ate niya. Ngayon niya lang ulit nayakap ng ganun ang ate niya.

Pero pagkatapos nun, isa na namang text message ang nakita niya:

"bilisan mo! Tumakbo ka sa kuwarto ng kapatid mo! Magpapakamatay siya! Pigilan mo!! "

Mabilis na tumakbo si Finn sa kuwarto ng kapatid niyang si Vincent. Bago pa man tuluyang magbigti si Vincent ay pinigilan niya na ito. Kinausap niya. Napanatag na siya ng marinig kay Vincent na nagsisisi na siya sa gagawin niya dapat. Nangako siyang hindi niya na ito uulitin.

Nagpapasalamat si Finn kung sino man ang random sender na ito. Nagpapasalamat siya dahil nalaman niya ulit ang halaga niya sa mundo. Na walang mapapala ang pagkitil sa sariling buhay. Maraming mga taong masasaktan.

Bago lumabas ng kuwarto ni Vincent, nakareceive na naman siya ng text:

"salamat nakinig ka sa akin. "

From: Finn (6914)



Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon