UNANG SLIDE SA BAHAGHARI

750 7 0
                                    

Position 34

Hapon. Malapit na pumatak ang 4 pm. Ayokong paghintayin si Marissa. Unang date namin ito. Dapat ako ang mauna.

Sinigurado kong malinis ako. Naligo. Sinuot ang paborito kong checkered na polo. Plantsado. Sakto kasi blue rin ito at yun ang gusto niyang kulay. Branded na pantalon. Branded na relo.
Inayos ko ang buhok ko. Lagay ng wax tapos hawi sa kaliwa. Pabango. Tapos pinakintab ko rin yung sapatos ko. Ready na ako.

Pagbukas ko pa lang ng gate, nagulat ako. Nakita ko si Marissa.

"Sabay na tayo, Michelle."

Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon