NANG MAKILALA KO SI GENIE SANTOS

16.4K 55 7
                                    

Position 3

Isa namang araw na nakihalata ako. Wala kasi akong pera. May gusto akong gawin, hindi ko magawa. May gusto akong bilhing regalo kay Natalia, hindi ko mabili. Si Natalia nga pala yung nililigawan ko kaso wala akong mabigay sa kanyang materyal. Wala kasi akong pera.

May kung sinong kumatok sa pinto. Tiningnan ko. Isang lalaking may kapandakan. Kalbo. Hindi ko kilala. Pero parang may kakaiba sa kanya.

"Ang boring ng buhay mo, diba? Kaya nandito ako para sa'yo. Ako si Genie Santos. Isa akong genie! ", ang bungad niya.

"Genie? Ibig sabihin may tatlo akong kahilingan? ", ang tanong ko.

"Hindi. Ako ang genie na nagbibigay ng mga bagay na kailangan ng isang tao kahit hindi siya humiling. ", ang sagot niya.

Hindi ako naniwala. Baka scam lang. Pero nang may biglang lumabas na mamahaling kuwintas dahil kailangan ni mama ng maisusuot na alahas, naniwala na ako. Binigay ko kay mama. Nagpasalamat sa akin si mama pero hindi niya nakikita si Genie.

Briefcase na itim kay papa. Album ng paborito niyang banda kay ate. Bagong videogame kay kuya. Hindi nila hinihiling, pero kusang lumalabas.

Kaya naisipan ko si Natalia. Pagkakataon ko na. Pa-goodshot. Tinawagan ko siya.

"Hello? Sino 'to?"

"Si Kenji. May gusto lang sa...."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil unti-unti na akong nawawala. Literal na nawawala. Nabubura na ako sa mundo.

"Pasensya ka na, Kenji. Ang gusto ni Natalia ay mawala ka sa buhay niya.", ang bigkas ni Genie Santos bago ako tuluyang maglaho na parang abo. 

Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon