PE-RA

645 5 0
                                    

Position 44

Makukulay na ilaw. Sumasabay sa indak ni Rose sa bilog na stage na may pole sa gitna. Unting tela lang ang nakabalot sa kanya. Bunny ears.

Siya ang pinakamagaling na dancer sa Open Flowers Bar. Kaya marami rin ang laging pumupunta rito lalo na tuwing Martes. Ito kasi ang araw ng kanyang pagsasayaw.

Pero ito na yata ang Martes na dapat hindi na lang dumating kay Rose. Tulad ng dati, sumasayaw siya para magbigay ng aliw sa mga lalaki.

Halos patapos na ang oras. Magsasara na ang bar. Wala ng mga customer maliban sa isang lalaki. Lumapit si Lucy, ang nanay nilang lahat sa bar, at binulungan si Rose.

"Lapitan mo yun. Type ka nun. Mayaman yan".

Kahit labag sa loob niya, lumapit na rin siya. Hinablot agad ang kamay niya.

"Dancer lang po ako rito!! ", sigaw niya. Pero hindi na siya nakawala. Malaki ang katawan ng lalaki at baka mapatay lang siya nito kung magpupumilit pa siya tumakas.

Hindi ginusto ni Rose ang ginagawa sa kanya. Napatingin siya kay Lucy at sa ibang babae na para bang walang pakialam sa kanila.

Nag-iwan ang lalaki ng 1000-peso bill sa kamay ni Rose.

Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon