Position 67
Veronica. Ang magandang si Veronica. Medyo malaman, pero para sa akin siya ang pinakasexy sa mga kaklase ko. Ewan ko, pero ang hot niya. Yung mga titig, ngiti, tawa, hikab, at iba pang mga maliliit na detalye. Maganda.
Kaya nga niyaya ko siya sa prom. Promdate. Swerte ko kasi pumayag naman. Maganda rin pala ang ugali niya. Akala ko.
Gabi ng prom. Sa isang event hall sa Makati. Nakabihis lahat. Mga lalaki na nakasuot ng coat and tie habang ang mga babae naman ay nakasuot ng dress. Iba't ibang kulay. Pero pink ang pinakagusto ko. Iyon kasi ang kulay ng gown ni Veronica.
Masaya naman ang prom. Ka-date ko pa ang crush ko. Party-party. Kain-kain. Tapos dumating na yung last dance. Sinayaw ko siya na parang huling gabi na namin ito magkikita. Nagulat ako. Bigla niya akong hinalikan.
Natapos rin ang prom. Natapos rin ang gabi. Akala ko.
Natapos na si Veronica magbihis. Yung dating balot, ngayon bakit ang iksi ng shorts at halos kita ang maputi niyang balat?
Sumunod raw ako sa kanya. Sa isang motel. Ewan ko ba kung matutuwa ba ako o hindi. Room 19. Pumasok kami. Tapos may binigay siya sa aking videocam. Gusto niya ata i-record. Okay lang naman sa akin. Akala ko.
Tapos may kumatok sa pinto. Binuksan ko. Foreigner na lalaki. Akala ko kaming dalawa ni Veronica.
Nag-sex na sila habang naka-on ang videocam na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Storie brevi69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)