Position 42
"Bumili nga ako ng beer sa may tindahan bandang alas-tres tapos ako pinagbibintangan niyo? ", pasigaw na sabi ni Alfred.
"Ikaw, Gemma! Nasaan ka nung mga oras na iyon?," nanlilisik ang mga mata ni Leo.
"Wala.... Tulog ako nun..", paputol-putol na sagot ni Gemma.
Nakahandusay si May. Girlfriend ni Leo. Duguan. Parang itinarak sa puso niya ang kutsilyong may bahid pa ng dugo niya na nasa tabi niya.
"Diba nagkainitan kayo ni May?! Sabi mo mapapatay mo siya once na makita mo ulit siyang kasama ni Phil!", pagdududa ni Skye.
"Bakit ako nasingit diyan?", pagtataka ni Phil.
Naguguluhan na sila. Ang masaya sanang class reunion ay nauwi sa trahedya. Sa isang krimen.
Lumapit na ako sa bangkay upang imbestigahan ito. Unting sipat. Masusing pagsusuri.
Tapos sinabi ko na ang nalaman ko.
"Wala. Walang pumatay. Malungkot man sabihin pero ayon sa posisyon ng katawan ni May at sa posisyon ng kutsilyo, isa itong suicide. I'm really sorry, Leo. "
Iyakan. Yakapan. Nawala ang sisihan. Napawi ang galit. Nabuo muli ang klase. Niyakap ko si Leo. Nakiramay. Tapos binulungan ko siya.
"Naniwala sila sa alibi natin. I love you, babe. "
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Historia Corta69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)