Position 16
Malapit na pala ako pumasok. 4 a.m. Pero nakikipagkuwentuhan pa ako. Kinausap niya ako. Para bang magkakilala talaga kami. Panatag ang loob ko sa kanya.
"Wala sila eh. May pasok silang tatlo.", tinutukoy ko ang iba ko pang dormmates.
"Oo nga. Ikaw? Wala ka bang pasok?, tanong niya sa akin.
"Meron rin. Pero nauna lang talaga sila dahil magrereview pa raw sila. "
5 a.m. Masayang kuwentuhan. Palitan ng mga istorya. Pero maghahanda na rin ako.
"Sige sige. Maliligo muna ako. ", ang sabi ko sa dormmate ko.
Pagpasok ko sa shower room. Ngayon ko lang naisip. Umalis na sina Jen, Arjun at Lyoneil. Ang iba kong dormmates.
Ngayon ko lang naalala na apat lang pala talaga kaming nakatira sa dorm na ito.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Kurzgeschichten69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)