Position 60
Ako si Peter. Isa akong writer. Sumusulat ako ng mga tula, dagli, at kahit mga kanta. Inspiration? Si Crystal.
Siya naman talaga ang isa sa mga naging matindi kong inspiration. Noong mga panahong ayoko na magsulat, siya ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob.
Siya ang sumuporta sa akin sa paglabas ng aking unang libro. Sa kabutihang-palad, naging sikat at mabenta ang libro kong iyon. Salamat sa kanya.
Kaya araw-araw ko siya sinusulatan at inaalayan ng mga tula. Naniniwala ako na mas mabigat ang halaga ng mga katha kaysa sa mga materyal. Natutuwa naman siya sa mga sinusulat ko.
Malamang kasi siya lang naman ang persona nito. Minsan, sumulat ako ng tula na inilarawan ko lang siya. Hindi ko alam na mananalo pala ito sa isang writing contest.
Kaya ngayon, hindi pa rin ako titigil sa pagsulat. Para sa sarili ko. Para sa ibang tao. Para sa kanya.
Hindi ako magsasawang ilagay sa tabi ng puntod niya ang mga tula kong isinusulat sa papel.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)