Position 4
May nakikita akong isang bata sa gitna ng liwasan. Maliit. Gusgusin. Magulo ang buhok. Mistulang hindi pa naliligo at ang amoy ay siguradong hindi kaaya-aya. Dagdag pa ang sakit sa balat na may mga bukol at nagtutubig pa ang iba. Tatlong oras na siyang lumalapit sa mga tao upang manlimos ng kaunting barya ngunit walang pumapansin.
"Palimos po.", sa tonong kaaawaan mo talaga. Lumapit na siya sa isang doktor, drayber, tindera, pulis, estudyante, at iba pang mga uri ng tao sa lipunan ngunit wala pa rin. Napapagod na ang bata.
Hanggang may lumapit sa akin na lalaking nakaputi galing sa isang van. Nagpaliwanag siya. Kinausap niya ako. Bumalik na siya sa van.
Bumalik ako sa dati kong puwesto. Ibinababa ng lalaki ang bintana ng van at nagbigay ng hudyat sa akin. Naglakad ako sa direksiyon ng bata. Tinulungan ko siya.
Itinaas na ng lalaki ang bintana ng van upang hindi sila makita ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Conto69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)