Position 46
Nagpatawag ng pulong si Haring Leon. Ang agenda ay ang lumalaking populasyon sa gubat.
"Kailangan na nating magpatalsik ng ilang mga hayop dito sa gubat. Sila ay makikihalubilo na sa mga tao. Tatlong lahi ng hayop ang kailangang mawala na rito. ", sabi ni Haring Leon.
Botohan. Tatlong lahi ang nakakuha ng maraming boto. Ito ay ang mga linta, ahas, at buwaya.
Wala na silang nagawa. Umalis na lang sila sa gubat at naghanap na ng mga lugar sa labas ng gubat.
Ang mga linta ay pumunta sa mga paaralan. Doon na nila ipinagpatuloy ang pagsipsip.
Ang mga ahas ay pumunta na sa mga parke. Sila ay nanuklaw sa mga taong may syota.
At ang mga buwaya ang pinakaswerte sa kanilang tatlo. Tuwang-tuwa sila sa napuntahan nila. Ang gobyerno.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)