BEER, TUWALYA

667 4 0
                                    

Position 43

Binuhos ko na ang beer sa katawan niya. Kung kanina, baso ang hinahalikan ng mga labi ko, ngayon ay dumarampi ito kasabay ng kiliti ng dila sa dibdib niyang basang-basa na tila nilalasing ako.

Kanina ko pa tinanggal ang tuwalyang nakabalot sa kanyang kurba. Sa kurbang nagpaderetso sa baluktot kong sundalo. Ngayon, nakikipagdigmaan na ako sa gitna ng mga bundok at ilog. Puro mga balang ipinuputok ko sa kanya.

Siya ba ito o tumatama na ang beer? Pero kung ano man ito, wala na akong pakialam. Nilangoy ko na ang pagitan niya, iba-iba man ang direksiyon, naabot ko naman ang gusto naming destinasyon.

Kinuha ko na ang tuwalya. Ipinahid ko na sa katawan ni Natasha na binasa ko ng kasalanan. Pinunasan ko na rin ang katawan ko. At bago kami matulog, inulan ko ulit ng mga halik ang labi niyang kanina pa sinasalanta ng mga mala-bagyo kong pantasya.

Pantasyang nagiging katotohanan sa tulong ng malaking salaming pinapagana ng kompyuter.

Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon