SA PINAKAMASAYANG PALARUAN

1.8K 21 0
                                    

Position 11

Yahoooo!  Birthday ko ngayon. At may treat sa akin ang paborito kong tito. Sabi niya dadalhin niya ako sa pinakamasayang palaruan sa buong mundo.

"Happy Birthday, FJ! ", sabi sa akin ni tito. "Handa ka na bang pumunta sa pinakamasayang palaruan? "

"Opo, tito! ", parang bata akong sumagot sa kanya. Pero oo nga pala, bata pala ako. Hahahaha

"Saan po ba tayo pupunta? ", ang tanong ko.

"Basta. Siguradong matutuwa ka rito." sagot niya.

Hindi na ako nangulit. Basta mas maganda raw kaysa sa Enchanted Kingdom. Mas maraming artista kaysa sa Star City. (Marami bang artista roon?)  at masaya raw ang lahat ng tao roon, laging nakangiti, kaysa sa Disneyland.

Huminto na ang kotse. Bumaba na kami. Parang pamilyar ang lugar na ito. Pamilyar ang mga mukha. Oo, nakikita ko ito lagi sa tv.

"Welcome sa pinakamasayang palaruan sa mundo! Ito ang Senado! ", nakangiting sabi ni tito.

Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon