Position 45
Pero wala namang saysay kung uupo lang ako rito. Kailangan ko isalba ang anghel ko mula sa demonyo.
Tinahak ko ang pasilyo. Sinundan ko ang daan papuntang impyerno. Wala na akong pakialam kung anuman ang makasalubong ko. Kailangan ko malaman kung anong pagtutukso ang ibinibigay sa aking anghel.
Nakita ko sila. Nakita ko ang pakpak at ang sungay. Pumasok sila sa isang classroom. Sumunod ako. Dahan-dahan. Sumilip sa bintana.
At nakita ko ang ngiti niya. Pero ibang ngiti. Parang ngiting may gustong hingin. Hanggang inilabas niya ang report card niya. Sinulatan ni Sir. At nangyari na ang kademonyohan. Kita ko ang lungkot sa mga mata ng anghel ko pero nakangiti siya. Nakuha naman niya ang gusto niya.
Ulo para sa uno.
BINABASA MO ANG
Makinilya 69 (Kamasutra Ng Mga Dagli)
Short Story69 na mga Kuwentong Dagli: Sinulat Upang Gumulat, Magmulat, at Manghikayat (Inspired by "Wag Lang Di Makaraos" of Eros Atalia)