"Lia was one year old nang lumipat kami sa Angeles City. Namatay ang nag-iisang kapatid ni tatay. She was an old maid kaya sa amin naiwan ang bahay niya sa Angeles. Kahit medyo gipit, in-encourage ako nina tatay na muling mag-aral. Hindi para sa kanila kundi para sa anak ko. And then... Prince entered my life. Siya ang lalaking nagpakilala sa akin ng isa pang klase ng love..."
And Johna couldn't help but further walk down memory lane...
A Few Months Ago
MULING SINULYAPAN ni Johna ang suot na wristwatch. Any minute ay matatapos na ang huling klase niya. Kanina pa siya handang lumabas.
"That's all for today, class. Yung research paper n'yo, malapit na ang deadline, ha?"
"Yes, Ma'am." Nagsitayuan na ang mga estudyante, pati na si Johna. Isinukbit niya sa balikat ang bag at dinampot ang dalawang libro na nasa ibabaw ng armchair. Sumabay siya sa agos ng mga estudyanteng lumalabas. Malalaki at nagmamadali ang hakbang. May hinahabol kasi siyang oras. Dapat ay nasa Angelicious Cake and Café na siya sa loob ng isang oras. Doon siya nagpa-part time bilang crew. Yes, she's a working student. And she's really working hard para makapagtapos ng pag-aaral.
Tuloy-tuloy na naglakad si Johna palabas ng campus. Mula doon ay may masasakyan na siyang jeep. The shop was just 4 kilometers away from her school.
Kumunot ang noo ni Johna nang makita ang isang motorsiklo na nakaparada sa labas ng gate. May isang lalaki na nakaupo doon. He was wearing a white shirt and a demin pants. Napapatungan ng jacket ang damit nito. Halatang matangkad ang lalaki kahit nakaupo. Guwapo ito. Lalaking-lalaki.
Hindi man igala ni Johna ang paningin sa paligid, alam niyang pinagtitinginan ang lalaki. Kumukuha ito ng atensiyon dahil sa kaguwapuhan. Kilala niya ito. Ang lalaking ito ay walang ina kundi si Prince Wolfe Patterson. Ito ang maginoo-ngunit-medyo-bastos niyang ka-barangay. Pilyo kasi ito. Kinakaibigan siya pero prangkang sinabi sa pagmumukha niya na may HD daw ito sa kanya, na ibig sabihin ay hidden desire. The nerve of this man was making her roll her eyes a lot of times. Asar siya sa guts nito.
Tumayo di Prince nang makita siya. His face lit up. Gumuhit ang ngiti sa labi nito. Dahil doon ay lalong naging simpatiko ang binata. Sigurado si Johna na maraming kolehiyala ang naakit sa ngiti ni Prince.
"Hi, Johna," anito. Kumaway pa sa kanya.
Bahagyang tinaasan niya ito ng kilay. Prince Wolfe is ruggedly handsome. Kayumanggi ang kulay ng balat nito. Matangkad ang binata at maganda ang built ng katawan. He was masculine. Halata din ang pagiging street-smart. Parang action star na hindi matatakot maglakad sa madidilim na eskinita dahil kayang-kaya naman nitong ipagtanggol ang sarili. Oh well, hindi naman talaga takot makipagbasag-ulo ang binata. In fact, sa loob ng apat na taon na paninirahan nila sa Barangay Masinop ay ilang beses na niyang nasaksihan na napasama ito sa mga rambulan. Matapang din kasi si Prince. May pagkabasagulero din. Mayaman ang pamilya nito.
"May photoshoot ba dito, Kamahalan? Para kang nag-e-endorso ng brand ng motorsiklo ah," mataray na sabi niya rito. O, baka ang jeans nito ang imonomodel nito, o ang sun glasses. Tinatawag niya itong Kamahalan, Your Highness, o Your Majesty dahil sa pangalan nito na Prince.
Tumaas ang sulok ng labi ni Prince. Parang nagsayaw ang mumunting ilaw sa mga mata nito. "'Mahal' na lang, huwag ng 'Kamahalan'" sabi nito, halatang nanunukso. "At, really, mukha akong modelo na may photoshoot? Tsk. Am I really that gorgeous? Wala pang ka-effort effort 'yan, ha." Iniliyad pa nito ang dibdib sa pagyayabang.
Oh, well, totoo naman, walang ka-effort effort pero mukha itong modelo na kayang-kayang dalhin ano mang suutin. Mukha ring mabango lagi. Ganoon naman yata talaga 'pag guwapo o maganda ang isang tao lalo't mayaman. Prince Wolfe Patterson is Fil-Am. Prominente ang tabas ng panga ng binata. Matangos ang ilong at arogante ang hugis ng labi. His eyes were bold and dangerous. There was also a waiting stillness about him, as if he was a predatory animal ominously standing guard. Maging ang kilay nito ay tila sadyang ibinagay sa mukha. Prince has a commanding presence.
Pasimpleng iginala niya ang paningin sa paligid. As expected, girls were throwing second glances at him. Ang iba ay lantarang nakatitig at parang nangangarap pa ang mga mata.
"Tara na, ihahatid na kita sa café," ani Prince.
Iningusan niya ito. "Kailan ako nagpahatid sa 'yo?" Iyon lang at pumunta na siya sa waiting shed para maghintay ng jeep.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...