Part 64

1.6K 62 1
                                    


"UMAMIN na ang sniper kung sino talaga ang mastermind. Hindi si Vaughn. It was Ayesha," pagbabalita ni Kuya Pierro.

"S-sinong A-Ayesha?" nagtatakang tanong ni Johna at binalingan ang asawa. Naikuwento na ni Prince na hindi random shooting ang nangyari at ito raw talaga ang target at pampagulo lang ang ibang biktima.

Bumuntong-hininga ang kanyang asawa. "Asawa siya ni Vaughn."

Two more weeks had quickly passed. Johna was still in the hospital. Maganda ang progress ng recovery niya. Everything was back to normal. Ang sabi ng doktor, sa susunod na linggo ay puwede na raw siyang lumabas. She would be back to school. Napag-usapan na nila iyon ni Prince. Nakausap na ng asawa niya ang school admin pati na ang kanyang mga professor. They understood her situation. Hindi naman daw iyon magiging dahilan para hindi siya maka-graduate. Kailangan lang niyang ayusin at tapusin ang mga requirement.

Si Kuya Art ang nag-supply ng impormasyon kung bakit nagawa iyon ni Ayesha. Ikinuwento nito ang nangyari kay Ayesha at kung paanong naging asawa ito ni Vaughn.

"Matagal na niyang pinagpaplanuhan nang masama si Vaughn. Inipon niya ang perang ibinibigay ni Vaughn para sa plano niya. At alam mo ba kung ano ang original niyang plano? Na kunwari ay isa si Vaughn sa magiging biktima ng random shooting. Her plan changed when our group entered the picture. She knew who we are. Alam niya kung ano ang kaya naming gawin sa sandaling magkamali si Vaughn na kalabanin si Prince. Noon na-realize ni Ayesha na hindi deserve ni Vaughn ang biglaang kamatayan. Gusto niyang magdusa ito, makita ni Vaughn ang pagbagsak ng pamilya nito. Kaya naisipan ni Ayesha ma i-frame up na lang ang asawa niya. So she started planting evidences against Vaughn tulad ng palihim na paggamit ng pangalan ni Vaughn sa mga bank transaction niya sa kasabwat. Ang sniper, bukod sa may galit din kay Vaughn, pinangakuan ito ni Ayesha na siya na ang bahala sa pamilya nito. Pag-aaralin ni Ayesha ang mga anak ng sniper at bibigyan ng magandang buhay."

"Unfortunately, natunugan ni Milo na may mali kaya nadiskaril ang plano nila," sabi naman ni Miro. "Thanks to Milo's knowledge in reading body language."

Binalingan ni Prince si Kuya Pierro. "Papa'no mo napaamin ang sniper, Kuya?" Ang sabi nito sa kanya ay ito raw ang bahala. Kapag hindi raw nadaan sa pakiusapan ay daanin sa karahasan.

Ngumisi si Pierro. "I threatened him. Sinabi kong kapag hindi siya umamin, I'll go after his kids. Sabi ko, pagsisisihan niya kapag napikon ako. Hindi siya agad nadala sa pananakot kaya ipinakita ko sa kanya ang pictures ng isang batang nakagapos at may taklob ang ulo. Nakilala niya ang damit at sapatos ng anak niya. 'Ayun, natakot kaya kumanta. Though it was not really his child. 'Nagpahiram' lang ako sa isang tauhan ng damit at sapatos n'ong bata."

"Makakalaya na si Vaughn. Pero hindi magiging katulad ng dati ang mundo niya. Hindi man siya ang may kasalanan sa nangyari, may mga dapat pa rin siyang pagbayaran."

Ilang sandali pa at nagpaalam na ang magkakaibigan.

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Prince. Umupo ito sa gilid ng kama, sumandal sa headboard bago kinabig si Johna at pinasandal sa dibdib nito.

Bumuntong-hininga siya bago tumango. "Nalulungkot lang ako sa mga pangyayari. Si Ayesha, hindi ko man siya kilala pero parang naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya. Iyon nga lang, mali ang naging desisyon niya para makaganti kay Vaughn. May mga buhay tuloy na nadamay."

"May mga desisyon talaga na sa huli lang pagsisisihan. Sadly, kailangan niyang harapin ang consequences ng ginawa niya." Prince sighed. "It was all water under the bridge now."

Ipagpapasa-Diyos na lang niya ang lahat. Nalampasan na nila ang isa sa pinakamatinding pagsubok sa buhay nila. And as long as Prince was with her, she could deal with anything. Kakayanin niya ang lahat.

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon