Part 18

2.9K 93 0
                                    


"GOOD MORNING, Lia!" bati ng isang taga-subdivision na nadaanan nina Johna at Lia. Ihahatid niya sa school ang anak.

"Good morning din po! And have a great day ahead," masiglang tugon ng bata. Nagpalitan naman ng ngiti si Johna at ang kapitbahay.

"Kuh. Ka-bibong bata. Mag-aral nang mabuti, ha?"

"Opo. Parehas po kami ni Mama na nag-aaral nang mabuti," anito bago tumingala at kinindatan siya. She winked back at her.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Magkahawak-kamay silang mag-ina. Tuwang-tuwa si Lia sa maliliit na lubak na may tubig. Tinatalon iyon ng bata. "One, two..." nag-handa ito sa pagtalon sa isang lubak.

Inaalalayan naman ni Johna ang anak. She loves watching her having fun. Masayahing bata si Lia.

"Mag-ingat ka. Kapag sa tubig ka nag-landing, tiyak na mababasa ang sapatos at medyas mo. Babalik pa tayo sa bahay," paalala niya. Nakadama siya ng lungkot dahil alam niyang marami siyang nami-miss sa anak. Dahil sa pag-aaral at trabaho niya ay maraming bagay siyang na nami-miss tungkol sa anak. Kaya lang wala naman siyang ibang pagpipilian. She needs to study so she can find a better and stable job in the future. All for Lia. Hindi rin naman p'wedeng i-give up ang trabaho niya dahil tiyak na kakapusin sila sa pera.

"Hindi po, Mama. Kaya ko po 'yan," anito bago kumuha ng buwelo. "One, two, th—"

"Oopss!" anang boses ni Prince. Hinawakan nito ang magkabilang baywang ni Lia at iniliban sa lubak na may tubig.

"Tito Prince!" gulat na sabi ng bata. Agad bumakas ang tuwa sa mukha ng anak niya. Namumula ang mukha ng binata at pawisan ito. Nakasuot ng basketball uniform. Hindi mahirap sabihin na naglaro ito ng basketball. Isa ang sports na iyon ang ginagawang exercise ng binata.

Her heart fluttered. Bad sign. Hindi na talaga maganda ang nangyayari. Natitibag na ni Prince ang pader ng puso niya. At hindi niya alam kung hanggang kailan niya makokontrol ang sarili. Hindi na lang siya basta nagiging aware sa binata. Natatagpuan na lang niya ang sarili na iniisip ito. Para siyang... nangangarap. No, kailangan niyang mag-isip ng paraan para lubayan siya ni Prince. Malapit na niyang maabot ang pangarap niya at sa ngayon, hindi niya kailangan ng distraction. Hindi niya kailangan ng kahit na anong distraction.

"Good morning ladies," anito. Kinindatan siya. Hindi siya sumagot. Nag-iwas lang siya ng tingin.

Kinuha ni Lia ang panyo sa bulsa ng suot nitong uniform. "Punasan ko po ang pawis mo, Tito Prince," anang bata. Her daughter adores him so much. Papaanong hindi gayong lagi itong naglalaan ng oras sa bata. Minsan nga iniisip niya kung naghahanap pa ba ng ama si Lia. Si Prince na kasi ang naging father figure rito.

"Aww. Ang sweet naman talaga ng baby ko." Kinarga nito si Lia. Walang nagawa si Johna kundi ang umagapay sa paglalakad nito. "Hindi tulad ng mama mo. Masungit sa akin. Lagi pa niya akong sinisimangutan," animo nagsusumbong ito sa bata. Napabaling tuloy siya sa binata.

Si Lia na pinupunasan ang mukha ng bata ay humagikhik. "Nagkakamali po kayo. Hindi po masungit si Mama. At saka, sweet din po si Mama ko."

"Masungit ang mama mo, Lia," sagot ng binata, nakasimangot. "Tingnan mo nga, oh. Nakasimangot sa akin. Hindi man lang ako nginingitian." Sinusulyapan siya ng binata. Nginisihan siya nito. Pinanlakihan naman niya ito ng mga mata. "O, tingnan mo, Lia, Oh. She's scaring me."

Aba at—

Binalingan siya ng bata. "Mama, smile ka na po kay Tito Prince."

Prince pouted his lips. "Ayaw niya, Lia. Huwag mo na siyang pilitin. Hindi kami bati," ani ni Prince, pasimpleng nginisihan na naman siya. Pinipikon talaga siya ng hudyo.

"Mama..."

Lumapit siya. Eksaheradong nginitian niya si Prince, sabay pasimpleng kinurot niya ang tagiliran nito.

"Aww!" malakas na sabi ni Prince.

"Bakit po?" nagtatakang tanong ni Lia.

"Kinurot ako ng mama mo," ani Prince. Ginagawang umiiyak ang ekspresyon ng mukha. "Isusumbong ko siya sa daddy ko. May baril yon. Lagot 'yang mama mo. Sasabihin ko kay daddy ikulong yan kasi kinurot ako." Suminghot-singhot ito, animo umiiyak talaga. Halos mapabunghalit ng tawa si Johna sa hitsura ng binata.

Nataranta si Lia. "Naku, huwag po, Tito Prince." Binalingan siya ng bata. Johna was still biting her tongue. Parang magluluha na ang mga mata niya sa kapipigil ng tawa. "Mama, mag-sorry ka na po kay Tito Prince."

Hanggang sa hindi na niya mapigilan ang pagtawa. Tawang-tawa siya sa ekspresyon ng mukha ni Prince.

"Pinagtatawanan pa niya ako, Lia! Waaah! Da-ddy!" pag-atungal ni Prince. Pumadyak-padyak pa ito. "Da—ddy ko!"

Johna lost it. Halos manakit ang tiyan niya sa katatawa.

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon