Part 63

1.4K 77 5
                                    

NORMAL na ang resulta ng mga examination na isinagawa kay Johna. Although she was still weak. Thank God at walang iniwang permanenteng pinsala ang aksidente. Inalis na rin ang ventilator dahil normal na rin daw ang paghinga niya. She just needed to recover her physical strength.

Of course, hindi makapaniwala ang mga doktor sa biglaang pagpapabago ng health status ni Johna, sa biglaang pagbalik sa normal ng mga vital signs niya. Even her brain activity was back to normal.

"S-salamat sa Diyos. Salamat sa Diyos!" paulit-ulit na sambit ng nanay niya. Her face were drenched in tears.

Hindi pa man tapos eksaminin ng mga doktor si Johna ay hangos na dumating ang nanay niya. Siguro ay tinawagan agad ito ni Prince. When her checkup was done, nagpaubaya si Prince na silang mag-iina muna ang mag-usap. Lumabas din agad si Lia.

"G-gusto mo na bang makausap ang asawa mo?" tanong ng nanay niya nang mapansin na patingin-tingin siya sa may pinto.

Nahihiyang ngumiti si Johna. "Gano'n po ba kahalata?"

Pinunasan nito ang mga luha. "T-teka't tatawagin ko," pagkatapos ay tumayo at tinungo ang pinto.

"'Nay..." tawag ni Johna. Lumingon ang nanay niya. She bit her lower lip. Muli siyang napaiyak dahil sa emosyon. "A-alam ko pong hindi ko madalas nasasabi sa inyo pero m-mahal na mahal po kita. K-kung... kung muli akong ipapanganak at may pagkakataon akong pumili ng magiging nanay... kayo po uli ang pipiliin ko."

Her mother sobbed. Bumalik ito sa may kama niya. "Mahal na mahal din kita, Johna. Walang kapantay. Walang katapusan... At proud na proud ako sa 'yo," umiiyak nitong sabi, pagkatapos ay hinalikan ang ulo niya.

Ilang sandali pa at lumabas na rin ito. Nang muling bumukas ang pinto ay ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ni Johna. Akala niya ay napayapa na niya ang kalooban pero hindi pala. Muling nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha nang makita ang asawa. Oh, God! Just the sight of him made her heart go wild.

"H-hey..." garalgal na sabi ni Prince. Agad ding namula ang mga mata ng asawa, pagkatapos ay kumislap sa mga luha. Naghuhumiyaw ang pagmamahal sa pagkatao nito.

"Hey..." umiiyak na sabi rin ni Johna. Itinaas niya ang kamay para abutin si Prince. That cue made him run just to be near her.

Napapikit si Johna nang maghawak ang kanilang mga kamay. The warmth from his slightly trembling hand was making its way through her heart. Dinampian ni Prince ng halik ang kanyang noo, pagkatapos ay ang mga labi. His tears of joy fell on her face. Ah, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal na nag-uumapaw sa puso ng asawa.

Prince sat on the settee. Hindi nito pinakakawalan ang kamay niya, habang ang isa pang kamay nito ay humahaplos sa kanyang mukha. Oh, God how she loved this man.

"I—I heard y-you," sabi nito sa basag na boses at muli na namang tumulo ang mga luha. His Adam's apple was moving up and down because of so much emotion. "N-narinig ko lahat ng sinabi mo noong... n-noong ako ang nag-aagaw-buhay. I h-heard everything, Johna. I heard everything you said..."

"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango si Prince. "Oo. M-maybe I'm unconscious pero narinig ko ang lahat..." Tumigil ito sa pagsasalita at bumuntong-hininga. "D-did you ask Him to at least save me?"

Bumuka ang bibig niya sa pagkagulat. "N-narinig mo rin 'yon?"

Tumango ito. "Hanggang sa mamalayan ko na lang na gumigising na ako. P-pero para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang malaman kong naaksidente ka at... at..."

Johna bit her lower lip. Nanlalabo na naman ang mga mata niya dahil sa luha. "M-mahal na mahal kita..." halos walang boses na usal niya at hinaplos ang pisngi ng asawa.

"Mahal na mahal kita. I love you with all my heart. I love you with all that I am," puno ng emosyong sagot ng kanyang asawa.

And she believed him. Kung ano kasi ang nararamdaman ni Prince ay ganoon din ang nararamdaman niya. They were sharing one true love. A kind of love that was pure and deep. The kind that could do miracles.

"A-ang hirap at ang sakit na makitang wala kang malay. And I felt helpless. I couldn't do anything. It was the worst feeling in the world, Johna. Iyong wala kang magawa para sa mahal mo," patuloy ni Prince. His tears were falling nonstop. "A-ang hirap ngumiti. Ang hirap maging masigla. At ang hirap matulog dahil baka paggising ko'y w-wala ka na. H-hindi ko 'yon kayang tanggapin. H-hindi ko kayang bitawan ka. I'd rather die than be alone for the rest of my life."

Iyon din mismo ang naramdaman ni Johna noon. "Sshhh..." She wiped his tears away, bago ipinaloob sa mga kamay ang guwapong mukha ng asawa. "N-nalampasan na natin ang pagsubok. M-magiging okay na ang lahat. God didn't take either one of us because He wants us to be happy. Because our love is true. Malinis ang mga puso natin."

Tumango si Prince. Their eyes met and they knew love was lurking in it. Umabante ito at idinikit ang mukha sa mukha ni Johna. They closed their eyes and felt the moment.

"I love you, Johna. Ikaw lang ang nandito sa puso ko at mananatiling ikaw lang. Ikaw at ikaw lang... kahapon, ngayon, bukas, at hanggang sa huli," he murmured.

"Hanggang sa huli, Prince. I'll love you until the end."

He claimed her lips. Buong-puso namang tinanggap ni Johna at sinagot ang bawat galaw ng mga labi ng kanyang asawa. They kissed until their lungs screamed for air.

Prince stared fondly. "Gusto ko sanang solohin ka muna pero nasa labas na sina Kuya Randall at ang tropa, sina Mommy at Daddy at ang iba pang well-wisher. Papapasukin ko na muna sila? O, gusto mong magpahinga na muna? Ang sabi ng doktor, huwag kang pagurin dahil mahina ka pa. Pababalikin ko na lang sila at—"

"Hindi pa naman ako pagod," putol ni Johna sa asawa. "At saka mas mapapabilis yata ang recovery ko kung makikita at makakausap ko ang mga crush ko," biro niya.

Natawa siya nang umungol sa pagpoprotesta si Prince. 

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon