ALAM NI Prince na hindi lamang mga labi niya ang nakangiti kundi pati na rin ang mga mata niya habang inihahatid niya ng tanaw ang dalaga. Papasok na ito sa gate ng school. He was afraid that anytime his heart would just burst open because of so much happiness. Pakiramdam niya ay nakalapit siya ng isang hakbang patungo sa puso ng dalaga.
Ipinatong niya ang helmet na ipinasa sa kanya ni Johna kanina. Inirapan siya nito bago tumalikod at nagmamadaling naglakad para pumasok sa gate. Malalaki ang hakbang na sinundan niya si Johna. Habang naglalakad ay hinuhubad niya ang sariling helmet. Nang maabutan niya ang dalaga ay hinawakan niya ang palad nito at marahang hinila paharap sa kanya. And then he quickly planted a soft kiss on her lips. She was caught off-guard.
"Have a great day." Mabilis na lumayo siya sa dalaga bago pa ito makapagreact. Patalikod na naglakad siya palayo rito para makita niya ang reaksiyon ng dalaga.
"Prince!" nanggagalaiteng sabi nito nang makabawi sa pagkabigla, bago tumakbo para habulin siya.
"Male-late ka na," nakangising sabi niya.
Iyon lang at mabilis na nakapagpreno ang dalaga. Tiningnan siya nito nang masama bago tumalikod at nagmamadaling naglakad uli papunta sa gate ng university.
"See you later, love," sigaw niya. Malakas na natawa siya nang hindi lumilingon na itinaas ni Johna ang isang nakakuyom na kamao, as if she was threatening him.
Prince couldn't believe it. Aaaminin niya, talagang natakot at naalarma siya kanina noong sabihin ng mommy niya na may naghatid kay Johna. Selos na selos siya. Pakiramdam niya ay nabawasan ng sampung taon ang buhay niya dahil sa naramdamang takot at pag-aalala. He was threatened to death. Kasi paano nga kung totoo? Eh, siya nga, ilang taon nang nangungulit kay Johna tapos magkabarangay pa sila pero ni minsan ay hindi ito umangkas sa motor niya o sumakay sa kotse niya. Imagine his relief nang sabihin ng mommy niya na hindi umano totoo iyon.
Dalagita pa lang si Johna noong unang makita niya. She was barely 17 years old then. Nakita niya sa isang mall si Aling Lupe, may kasama itong magandang dalaga. Nawala sa isip niya ang gagawin sanang pagbati sa ginang, all he did was stare at the lady. Later that day, nalaman niya na pamangkin pala iyon ni Aling Lupe, at Johna daw ang pangalan. She was simply beautiful and alluring. Para itong bulaklak na namumukadkad sa ganda. Ang totoo ay hindi niya alam na underage pa ito. Malaki kasi ang bulas ng katawan, and all the curves already fell on the right places. 23 siya noon, and that time he was working in his Auncle's engineering firm in the US. Umuwi lang siya noon dahil birthday ng kapatid niya. Two years later, he decided to go back home. Nadatnan na niya sa barangay nila ang pamilya ni Johna. And then he learned that she already has a one-year-old baby. Sa kabila niyon, hindi napigilan ni Prince ang damdaming umusbong sa puso niya, minahal niya ang dalaga. At lalong minamahal sa paglipas ng mga araw. Humanga siya sa katatagan nito, sa determinasyon, at prinsipyo. Higit sa lahat, gustong-gusto niya ang pagiging ina ni Johna kay Alia. Hindi matatawaran ang pagmamahal nito sa anak. She was a woman of courage. Empowered and determined. Hindi nito hinayaan na tuluyang malugmok dahil lamang nabuntis at hindi pinanagutan.
Ah, he promised he would wait for her patiently. Ipinangako niyang hihintayin itong matupad ang mga nais nitong gawin pero sa totoo lang ay parang hindi na niya kaya na nanonood lang at maghihintay kung kailan magiging handa ang dalaga na pumasok sa isang relasyon. Mas gusto niyang hawak-kamay na samahan ito sa pagtupad sa mga pangarap na iyon.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...